CHAPTER THIRTY THREE

4.9K 100 7
                                    


[ONE YEAR LATER]


[ANDREA POV]



"I miss you--" bulong ko at mabilis na pinahid ang luha na kumawala sa mga mata ko.


Ang tagal ko ng hindi nakakabisita dito at sa tuwing iaapak ko ang mga binti ko sa lugar na to, mula noon, hanggang ngayon.. Sobrang bigat pa din ng pakiramdam ko.

"mum--momma" pilit akong ngumiti ng hinawakan ni Ashwin ang mukha ko gamit ang maliliit niyang mga kamay at pilit yon na pinaharap sakaniya.
"Yes baby?" tanong ko at pilit na ngumiti.. Bago ayusin ang pagkakabuhat ko sakaniya. Isang taon palang siya pero napakadaldal na at napakakulit.

Kung nandito lang sana si Austin, makikita niya kung gaano na kalikot at kapasaway itong bunso niya.

"hmm D-Dadda!" napailing ako bago siya halikan sa pisngi.

Binaba ko na muna siya ng marinig ko na tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng sling bag ko at kaagad sinagot ang tawag ng makitang si Kristoff yon.

"Hey" bungad niya, muli akong bumuntong hininga at hinintay siya na magsalita ulit. Siguraduhin lang nito na may maganda siyang ibabalita saakin dahil kung hindi...

"alam kona kung nasaan si Kier" humigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng marinig ang sinabi niya.

"t-talaga?!" hindi ko makapaniwalang tanong.

Isang taon na siyang nag tatago at mabuti nalang... Makakamit kona ang hustisya na isang taon kong hinintay.

"Yep. I'll just text you the location, bye. Goodluck" napairap ako sa hangin ng agad niyang patayin ang tawag. Psh. Kahit kailan talaga, wala paring pinagbago itong si Kristoff.

"Ashwin!" hiyaw ko naman ng makitang nauna ng maglakad ang anak ko at iniwan ako dito sa harap ng puntod ng mga magulang ko.

Psh.

"Bye mum. Bye dad!" mabilis kong paalam at ngumiti bago mabilis na tumalikod at sinundan si Ashwin. Nang makita niya na nakasunod ako sakaniya, tyaka naman ito tumakbo. Hays!

"Ashwin baby! Bakit palagi mong pinapahabol si mommy ah?!" naiiling kong tanong at agad siyang binuhat. Mabilis naman itong tumawa at niyakap ako.

"Da-dda!" pinangigilan ko ang pisngi niya bago yon muling halikan.

"miss mona si Dadda?!" nakangiti kong tanong. Ngumiti naman siya.
"Daddaa!" hiyaw niya kaya ngumiti ako.

"miss kona din siya" mahina kong saad. Bumuntong hininga ako bago tuluyang buksan ang backseat ng kotse at inupo si Ashwin sa car seat niya at agad siyang inabutan ng laruan para hindi siya mag wala sa byahe.

Ngumiti ako at muli siyang hinalikan bago pumasok sa driver seat at inistart na ang sasakyan.

Napaseryoso naman ako ng biglang nag pop up sa cellphone ko ang message ni Kristoff.


Woah. Ang bilis ah?


~/~


"Sure kaba na pupunta sa lugar na to si Kier?!" naguguluhan kong tanong. Nandito lang naman ako sa isang coffee shop na sinabi ni Kristoff. Sa dinami dami ng pweding lugar na pweding puntahan bakit dito pa?!

Akala ko ba nagtatago siya?

Inayos ko ang earpiece na suot ko para marinig ng maayos si Kristoff.

"Ts. Wala ka bang tiwala?! Basta mag hintay ka nalang diyan--" hindi ko masyadong pinansin ang sinabi ni Kristoff ng biglang pumasok si Lilian dito sa coffee shop dahilan para mabilis kong buksan ang newspaper na nasa table ko at nagkunwari nag babasa para matakpan ang mukha ko at hindi ako mapansin ni Lilian.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon