CHAPTER THIRTEEN

3.1K 90 5
                                    


ANDREA POV

Mabilis kong pinunasan ang luha ko na bigla nalang tumulo at mabilis na humakbang kaakyat ng hagdan.

Hindi ko na kayang pakinggan pa ang usapan nilang dalawa.

Bakit ganon? Bakit niya pa ako binigyan ng pangalawang pagkakataon kung sa simula palang pala, ay may namamagitan na sakanilang dalawa?

Oo, masaya ako at binigyan niya ako ng pagkakataon na makabalik sa piling niya pero bakit hindi niya sinabi saakin ang tungkol sakanila ni Giselle?

Pinaglilihiman niya na ako ngayon? Kasinungalingan nalang ba ang lahat ng to?

Nagbago na ba talaga siya?

~/~

Napasinghap ako at binalot ng kumot ang katawan ko, hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala dito sa loob ng kwarto at hanggang ngayon hindi parin matanggap ng sistema ko ang mga narinig ko sakanilang dalawa.

At hanggang ngayon din ay hindi parin bumabalik o pumapasok si Austin dito sa loob.

Magkasama parin kaya sila? Nag uusap parin ba sila?

Mabilis akong napaupo sa kama ng makita ko na bumukas ang pinto at agad na pumasok si Austin dito sa loob.

"bakit ka nandiyan? Masama ba ang pakiramdam mo?" napaiwas naman ako ng tingin dahil sa tanong niya.

"m-may kailangan kaba?" tanong ko habang hindi pa din makatingin sakaniya dahil parang ano mang oras ay maiiyak nanaman ako sa harap niya dahil sa mga narinig ko.

"bumaba kana. Ready na ang dinner--" hindi kona siya pinatapos.
"S-Si Giselle--" saad ko pa. Seryoso niya naman akong tinignan.

"galing na siya dito. Kanina pa umalis. Tara na? Alam kong gutom kana" sabi naman niya sabay hawak sa kamay ko.

"W-Wala ka bang gustong sabihin saakin?" tanong ko. Oo tama yan Andrea, wag mo siyang pangunahan. Hayaan mo na siya mismo ang magsabi sayo at magpaliwanag sa mga narinig mo.

Hindi niya naman siguro ako lolokohin diba? Alam kong hindi niya gawain ang manloko lalo na kung dahil yon sa isang napakaseryosong bagay. Hindi ako magagawang lokohin ni Austin dahil alam ko na hindi nila matatago saakin ang katotohanan.

Kung totoo nga yon.

"anong ibig mong sabihin?" seryoso niyang tanong. Naiyukom ko ang mga palad ko. Hindi niya talaga sasabihin?

"k-kahit ano. Wala ka bang gustong sabihin saakin? Austin alam mo kung ano ang pakiramdam ng pinaglilihiman, kaya please-" pursigido kong tanong. Please sabihin mo na. Umamin kana.

"Andrea" taka nitong saad. Napabuntong hinihinga nalang ako sabay yuko. Fine.
"w-wala, kalimutan mona" sagot ko. Napatingin ako sa kamay ko ng bigla niya yong hinawakan.

"kumain na tayo" sabi niya lang at tuluyan na akong hinala palabas ng kwarto.

Kahit anong gawin nila, hindi nila matatago saakin ang bagay na yon. Totoo man yon o hindi, gusto ko paring marinig kay Austin ang eksplinasyon tungkol doon. Kung hindi niya man sasabihin saakin ang bagay na yon. Hindi ko siya pipilitin. Maghihintay nalang ako sa tamang oras na marinig at malaman ko ang lahat.

Malaki ang tiwala ko kay Austin. Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na yon saakin.

At alam kong mahal niya parin ako, kahit limang taon niyang nakasama si Giselle, nararamdaman kong mahal niya parin ako.

[FAST FORWARD]


[GiSELLE POV]


"Are you out of your mind Giselle?! Bakit sa dinami daming paraan para makaganti ka, bakit yan pa ang naisip mo ah?" hiyaw ni Lilian habang nakaupo sa harapan ko. Bumuntong hininga ako sabay inom ng wine sa wine glass ko


Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon