[ANDREA POV]"edi hindi ko nalang din itutuloy ang collaboration ng kumpanya" taka kong tinignan si Austin dahil sa sinabi niya matapos kong ipaliwanag sakaniya ang lahat ng sinabi saakin ni Kristoff kanina.
Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse.
"p-pero paano yung kumpanya? Baka tuluyan na yong mawala sayo" alala kong saad.
"don't worry hindi yon mawawala saatin. At hindi ko naman talaga kailangan ang tulong nila kung hindi lang ako pinipilit ni Giselle. Kaya pa nating masolusyunan ang problema sa kumpanya wag kang mag alala" napasimangot ako dahil sa sinabi niya."why? Wala ka bang tiwala saakin?" seryoso nitong tanong. Agad naman akong umiling.
"meron. Ayoko lang na mahirapan ka" sagot ko naman. Ngumiti siya.
"hindi ako mahihirapan. Basta kasama kita" saad pa niya sabay hawak sa kamay ko.Tipid akong ngumiti at muling tumingin sa labas ng bintana.
Dahil bigla ko nanaman naalala si Kristoff. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Yon ba talaga ang totoo? Hindi niya ba talaga ako pinahalagahan? Sa tagal naming naging magkasama, hindi niya man ako tinuring na tunay na kaibigan. Dahil lang sa awa kaya siya palaging nasa tabi ko.
Ayoko mang aminin pero nasaktan talaga ako doon. Nasaktan ako sa katotohanag sinabi niya.
Akala ko pa naman noon maswerte ako dahil may kaibigan ako na tulad niya. Pero nagkamali ako. Kabaligtaran lang pala ang lahat ng yon.
~/~
Laking gulat ko ng huminto ang kotse ni Austin sa harap ng isang restaurant.
Ang akala ko ay dederetso na kami sa office pero hindi pala.
"kumain na muna tayo." sabi niya habang inaalis ang seatbelt niya at lumabas ng pinto. Kaagad naman siyang umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Nawalan na ako ng gana--" hinawakan niya ang kamay ko at inalalayang makalabas.
"kakain ka o magagalit ako?" seryoso ko siyang tinignan.
"bakit ka naman magagalit?" tanong ko pa.
"dahil masyado kang nagpapaapekto sa mga sinabi sayo ng best friend mo, daig mo pa ang nakipag break sa boyfriend kung makapag react ka. Ganon ba talaga siya kahalaga sayo?" nakakunot noo nitong tanong. Bumuntong hininga ako."hindi lang ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Ts, ayaw niya na nga saakin tapos pagseselosan mo parin siya?" inis kong tanong.
"at sinong nagsabi na nag seselos ako? Asawa mo ako diba? Hindi ka dapat nagpapakita saakin ng nasasaktan ka lalo na kung ibang lalake naman ang dahilan" sabi niya at tinalikuran ako. Lalo akong napasimangot. Mabilis ko siyang sinundan at niyakap ang braso niya."I'm sorry love" sabi ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at sandali akong tinignan.
"ts" bulong niya at nagsimula na ulit na maglakad. *pout*
Alam kong mali pero hindi ko naman kayang itago sa sarili ko na nasaktan talaga ako sa mga sinabi saakin ni Kristoff. Hello? Ilang years na kaming magkakilala, komportable na kami sa isa't isa tapos ganito pa pala ang mangyayari.
~/~
Hanggang sa matapos kaming kumain, hindi parin niya ako kinakausap.
"galit kaba" nakasimangot kong tanong. Hindi siya sumagot.
"sorry na" sabi ko habang naglalakad kami palabas ng restaurant. Muli kung niyakap ang braso niya at tumingin sa isang parke na nandoon lang sa kabilang kalsada.
BINABASA MO ANG
Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)
FanficSa pagbabalik ko.. Sana mahal niya parin ako.. Sana handa parin siyang tanggapin ako.. At sana.. Napatawad niya na ako.. I want him to come back.. I want everything will be back in place just like what it be and how it be. I already repented on...