CHAPTER THIRTY

4K 108 5
                                    

[ANDREA POV]

"Austin, kaya ko na. Ako nang bahala dito" saad ko ng subukan niyang kunin ang dalawang maleta na hinanda ko. Since ayos na din naman kami, at handa ng mag simula ulit, napag desisyunan namin na bumalik na doon sa bahay niya. Pumayag naman ako dahil wala na ding saysay kung dito parin kami mag i-stay ni Aurea. Lalo na't maging si Aurea ay gusto na din bumalik doon para daw makapag laro na sila ng mga kalaro niya which is yung mga anak ng mga kaibigan ni Austin.

"Are you sure? Hindi mo naman kailangang dalhin ang lahat ng gamit mo dito, may iba kapa namang mga gamit sa bahay remember?" saad niya at lumapit saakin. Agad naman akong tumango sabay tingin ulit sa mga maleta na nasa taas ng kama.
"pero sayang naman ang ibang mga damit namin ni Aurea dito. Ito lang naman ang dadalhin namin e" sagot ko sabay turo sa mga damit na hinanda ko na din sa taas ng kama. Tumango siya kaya ngumiti ako.

"mommy, daddy" sabay kaming napatingin kay Aurea ng dahan dahan nitong iminulat ang mga mata at umupo sa kama.

"Hey, good morning baby" saad naman ni Austin at mabilis lumapit kay Aurea tyaka binuhat.
"how's your sleep?" tanong pa sakaniya ni Austin. Late na kase nakatulog si Aurea dahil sa panunood ng movie kagabi kasama ni Austin kaya ayan, late na din siya nagising ngayon.

"good morning" nakangiti kong saad sabay halik sa pisngi niya.

"aalis na po tayo daddy? mommy? Babalik na tayo sa dati nating house?" bigla niyang tanong. Isa din pala yan sa rason kung bakit hindi agad nakatulog si Aurea kagabi dahil excited itong bumalik sa dati naming bahay.
"yes baby, later. But you must eat your breakfast first okay?" sabi pa ni Austin, agad ngumiti si Aurea at tumango.
"Yes. I'm so excited daddy." nakangiti niya paring sagot.

Sumenyas si Austin na bababa muna para pakainin si Aurea kaya agad akong tumango.

Nang tuluyan na silang makalabas, umupo na ako sa kama para simulan ang pag i-empake ko. Ilang araw palang simula ng magkaayos kami at sa mga araw na nag daan, parang nalimutan na namin agad ang lahat ng mga naging pagtatalo namin noong mga nakaraan.

Naging mas hands on si Austin saamin dalawal ni Aurea at kahit sa simpleng action niya lang nararamdaman ko talaga ang pag aalaga niya saamin lalo na saakin. Hindi ko masasabi na nag bago siya dahil ganito naman talaga siya dati at masaya ako dahil unti unti ng bumabalik ang dating siya.

Palagi ko nalang pinagdadasal ngayon na sana, kahit magkaroon pa kami ng seryosong problema o pagtatalo, hindi na siya ulit mag babago. Hindi na niya ulit kami iiwan.

~/~

Nang matapos ko ng maayos yung mga damit na dadalhin namin, hinanda kona yung dalawang maleta malapit sa may closet. At inisip kung ano ba ang mga gamit na kailangan ko pang dalhin.

Kinuha ko ang mga slingbag na nakalagay sa loob ng closet ko at pinili ang medyo may kalakihan para ipag sama sama nalang ang lahat ng gamit ko sa iisang slingbag since madami akong ganito at maski ako ay nalilito na din sa papalitpalit kong bag at minsan may mga gamit pa akong na mimisplace.

Lumapit ako sa may dressing table at umupo sa harap non.

Kinuha ko ang last slingbag na ginamit ko para ma transfer na ang mga laman non sa isa pang slingbag na napili ko na medyo may kalakihan.

Pwede na siguro to' wala naman kase akong ibang ilalagay na mga gamit kundi yung make up kit ko, wallet, cards, wipes, sanitizer at kung ano ano pang mga girly stuffs ko.

Taka kong tinignan yung isang maliit na bagay na nanggaling sa loob ng last slingbag na ginamit ko ng subukan kong ilabas ang lahat ng laman non.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon