ANDREA POVMaaga ako nagising kinabukasan kahit medyo late na ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Giselle, pati na din kay Austin dahil mukhang nagalit siya saakin dahil sa mga nalaman niya.
Kahit ako nasaktan dahil hindi ko naman alam na ganun pala ang nangyari. Kung ganon, totoo pala ang sinabi ni Austin na hindi niya pinaniwalaan si Giselle about sa paninisi niya saakin sa pagkawala ng anak nila pero ako naman pala talaga ang totoong may kasalanan.
Tatayo na sana ako ng bigla kong marinig si Aurea.
"mommy" ngumiti ako at inalalayan siyang makaupo sa kama.
"good morning baby" saad ko sabay halik sa pisngi niya
"good morning baby brother" saad naman niya at niyakap ang tiyan ko sabay halik doon. Ngumiti naman ako at hinaplos ang buhok niya.
"are you hungry baby?" tanong ko pa. Agad siyang tumango at bumaba ng kama.
"yes mommy. I want pancakes po" kaagad akong tumango.
"sure baby, mag luluto ako ng madaming pancakes para sayo" sagot ko at muli siyang hinila papasok ng bathroom para maghilamos.Pagkatapos non, sabay na din kaming lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Agad akong lumingon sa sofa doon sa may sala ng makita si Austin na hanggang ngayon ay natutulog pa doon.
Talaga palang hindi siya umalis kagabi at dito parin natulog.
"hmm daddy!" hiyaw ni Aurea at mabilis na bumitaw saakin para lapitan si Austin at gisingin ito.
Napailing ako bago naglakad papasok sa kusina para mag handa ng almusal.
Nagulat ako ng makita ang isang bote ng alak na nandito sa taas ng mesa na hindi pa naman ubos ang laman katabi ang shot glass na may konti pang laman.
Uminom siya?!
Muli akong napailing bago iligpit yon.
Tss. Kung galit pala talaga siya saakin, bakit pa siya nag stay dito? Edi dapat umalis nalang siya at nagpakalunod sa alak buong magdamag.
~/~
Nang maihanda kona ang agahan. Lumabas na muna ako ng kusina para tawagin si Aurea.
"Aurea? Nasaan ang daddy mo?" kaagad kong tanong at lumapit sakaniya. Agad naman siyang tumingin saakin sabay baba sa remote na hawak niya.
"nasa bathroom po si daddy, hmm mommy bakit po dito natutulog si daddy? Ayaw niya ba tayong katabi sa bed?" saad naman niya at seryoso akong tinignan. Alanganin akong napangiti dahil maski ako hindi alam kung ano ang isasagot.
"hindi naman sa ganon.. Hmm" ano bang dapat kong isagot?
"kapag malaki kana, hindi kana din saakin tatabi kapag natutulog ka, g-ganon din si Daddy, malaki na siya kaya hindi niya na kailangan ng katabi. Okay?" sagot ko habang pinipigilan ang sarili ko na matawa dahil sa walang kwentang sagot ko.
Psh. Siguro naman papaniwalaan ako ni Aurea diba?
"ah ganun pala mommy. Edi si baby brother nanaman ang magiging katabi mo po nun kapag natulog tayo?" tumango ako dahil sa sinabi niya.
"pero mommy, gusto ko din pong makatabi si baby kapag natutulog ako" sabi pa niya at ngumuso. Ngumiti ako at pinisil ng konti ang pisngi niya.
"pwede mo parin naman siyang makatabi hmmm?" sagot ko at dahan dahan na siyang hinila patayo."ready na ang breakfast, kumain muna tayo bago mo ituloy ang panunuod mo okay?" saad ko. Agad siyang tumango bago patayin ang TV gamit ang remote.
"daddy!" hiyaw niya dahilan para mapatingin ako kay Austin na nasa likuran na pala namin. Katatapos niya lang maligo at nakasuot na ngayon ng office attire at mukhang paalis na siya. Hindi siya tumingin saakin at mabilis na sinalubong ng yakap si Aurea.
BINABASA MO ANG
Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)
Fiksi PenggemarSa pagbabalik ko.. Sana mahal niya parin ako.. Sana handa parin siyang tanggapin ako.. At sana.. Napatawad niya na ako.. I want him to come back.. I want everything will be back in place just like what it be and how it be. I already repented on...