CHAPTER TWENTY EIGHT

3.6K 89 5
                                    


[ANDREA POV]



Nakaupo ako dito sa kama habang iniisip pa din si Francine na nakita ko kanina sa loob ng isang restaurant. Hindi ako pweding magkamali, siya ang nakita ko.



Napailing ako sabay kuha ng cellphone ko na nakapatong sa taas ng night stand at kaagad dinial ang numero ni Flynn.


Agad niya namang sinagot ang tawag


"Emerald" saad niya sa kabilang linya. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang magsalita.
"a-about kay Francine. May balita kana ba sakaniya?" tanong ko. Nadinig ko din ang pag buntong hininga niya at hinintay siya na sumagot.


"kumpirmado na buhay nga si Francine. Pero hanggang ngayon, wala pa din kaming nakukuhang balita kung saan ba siya nagtatago ngayon. Emerald, kung kayo man ang puntirya ni Francine, mag doble ingat kayo--" hindi kona siya pinatapos.
"nakita ko si Francine kanina, h-hindi ko alam kung nakita din niya ako pero sigurado ako na siya yon" mabilis kong saad.

"ibig sabihin, nandito lang siya nag tatago. Basta wag mong kalimutan na mag ingat, kami na ang bahala sakaniya Emerald ang mahalaga, hindi niya kayo malapitan" paliwanag niya. Muli ako bumuntong hininga bago tumango.


Bigla naman akong napatingin sa pinto ng makarinig ako ng katok mula doon.


"s-sige Flynn. Tatawagan nalang kita ulit" paalam ko at tuluyan ng pinatay ang tawag bago dahan dahang tumayo at lumapit doon sa pinto para buksan yon.



Pag bukas ko ng pinto, nakita ko agad si Aurea na buhat ni Austin at mukhang tulog na ito.



"she fall asleep while we're watching downstairs." saad nito at naglakad na palapit sa kama para ihiga doon si Aurea.


"a-aalis kana ba?" tanong ko at sinundan siya. Agad naman siyang tumingin saakin matapos niyang ihiga si Aurea sa kama.


"I mean... Baka biglang magising si Aurea tapos hanapin ka-" paliwanag ko sakaniya.


Napaiwas ako ng tingin ng makita ang bigla niyang pag ngisi.


"Gusto mo ba na dito na muna ako mag stay, kasama niyo?" nangingiti nitong tanong, inirapan ko siya.


"iniisip ko lang si Francine, p-paano kung bigla siyang pumunta dito tapos-" hindi kona natuloy ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.


"Andrea, relax. Si Francine man, o hindi ang nakita mo kanina, hindi niya na kayo malalapitan. Ako na ang bahala. So please, stop over thinking about it. Hindi yan makabubuti sayo" kahit naman anong sabihin niya hindi ko parin mapigilan ang isipin si Francine, lalo na ngayong kasama ko ang mga anak ko. Hindi ako natatakot sakaniya, natatakot ako sa mga pwede niyang gawin, lalo na kay Aurea o kaya sa magiging anak ko.



"natatakot ako na baka saktan niya ang mga anak natin" pagsasabi ko ng totoo.


"wala ka bang tiwala saakin?" yumuko ako dahil sa tanong niya.



Hindi ko alam.



Gusto ko man magtiwala, pero hindi padin maalis saakin ang pag aalala.

Paano kung si Austin naman ang mapahamak?



Ganito lang ba ako? Walang gagawin? Mag hihintay lang sa mga bagay na pweding mangyari?


Napaangat naman ako ng tingin ng maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.



"aalis kana ba?" tanong ko naman ulit at seryoso siyang tinignan. "O-Oo nga pala, hindi lang kami ang responsibilidad mo. Kailangan ka din ni Giselle," mahina kong saad at tinalikuran na siya.
"bumalik ka nalang sa susunod. Kapag hindi kana busy--" pagpapatuloy ko pa at sandaling napahinto ng bigla siyang magsalita.


Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon