CHAPTER SIX

3.6K 103 3
                                    

[ANDREA POV]

Maaga ako nagising ngayong araw dahil may pasok pa ako sa office. Mabuti nalang at hindi ako uminom ng hard drink sa party kagabi kaya wala akong hang over ngayon dahil kung hindi.. Nako, baka nakahilata pa ako hanggang ngayon dito sa kama. Psh.

Pag tayo ko sa kama, kaagad ko ng kinuha ang tuwalya ko para makaligo na. Ayokong malate ngayong araw dahil madami dami din akung gagawin ngayon dahil nga hindi kami nakapasok kahapon dahil sa party.

Habang nasa ilalim ng shower.. Hindi ko maiwasan na maalala ang seryosong tingin saamin/saakin ni Austin dahil sa ginawa ko kagabi.

Nakita ko ang emosyon sa mga mata niya na talagang nag paramdam saakin ng konsensya. Mali ba ang ginawa ko?

Psh. Naiinis lang naman ako sakaniya kaya ko yun nagawa. Bahala na nga. Ang mahalaga nag react siya sa ginawa ko, ibig sabihin may pake pa rin siya saakin. Kase na apektuhan siya eh. Hindi naman siguro siya magkakaganon kung wala lang sakaniya ang nakita niya diba?

After kung naligo, nag ayos na rin ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sakto naman na nakita ko si Kristoff na prenteng nakaupo sa sofa habang may hawak na mug at nagbabasa ng libro.

Nakasuot na din siya ng office attire kaya baka paalis na din siya.

"good morning Kristoff" bati ko. Tinanguan niya ako sabay sara ng librong hawak at pinatong yon sa taas ng center table.
"paalis kana?" tanong ko pa. Tumango ulit siya at inubos na ang laman ng mug niya.
"Pwedeng sumabay?" nakangiti kung tanong at sinundan siya papasok ng kitchen.
"hindi ka ba mag aalmusal muna?" tanong naman niya. Umiling ako.

"sa office nalang siguro. Ayokong ma late eh" sagot ko naman.
"ang sabihin mo gusto mo ng makita yang si Austin." ngumuso ako dahil sa sinabi niya.
"hindi naman ah!" sagot ko sabay talikod. Lumabas na din siya ng kitchen sabay kuha ng susi niya sa kotse na nasa taas din ng center table.

Wala naman siyang magagawa kung magpupumilit ako na sumabay sakaniya. Tinatamad din kase akong mag drive ngayon.

~/~

"Bye Kristoff see you!" paalam ko ng makababa ako sa kotse niya.
"bye. Ma'am!" medyo sarcastic niyang saad. Mahina akung natawa. Ang cute talaga nitong si Kristoff kapag naaasar tuwing umaga. Kaya nga gustong gusto ko siyang inaasar dahil diyan sa mukha niya eh.
"sa susunod dapat may bayad na to' ah" nakangisi niyang saad. Ako naman ang napasimangot.
"bayad ka diyan! Kiss nalang kita" biro ko. Muling sumeryoso ang mukha niya.

"sinasabi ko na nga ba at crush mo parin ako hanggang ngayon eh" mabilis akung napaiwas ng tingin dahil sa sinabi niya.
"eh ano naman? Mabuti nga at may nag kakacrush pa sayo eh. Biruin mo yon? Sa dinami daming mga tao ang nakakasalamuha mo sa araw araw ako lang ang natatanging nakaka tiis diyan sa ugali mo. Hmp" sagot ko sabay irap. Mahina siyang natawa.

"ts. Ang dami mong sinasabi, pumasok kana sa loob! Baka kanina kapa hinihintay ng asawa mo" saad pa niya. Muli ko siyang inirapan.
"fine. Sunduin mo ako mamaya ah" sagot ko.
"ayoko nga. Mag commute ka" sabi pa niya bago ako tuluyang iwan.

Aba, loko yon ah!

Kahit kailan talaga ang galing mag asar ng lalaking yon!

Pag pasok ko sa loob ng building agad na akung pumasok sa loob ng elevator na mag hahatid saakin sa office.

Nandito na kaya si Austin?

Pag labas ko ng elevator, table niya agad ang tinignan ko pero mukhang wala pa siya.

10 minutes pa naman bago mag eight o'clock, baka maya maya pa siya dadating.

"good morning Andrea" bati saakin ni Erven.
"good morning" sagot ko naman. At umupo na sa harap ng table ko.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon