CHAPTER NINE

3.3K 85 9
                                    


[ANDREA POV]

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng sarili kong kwarto. Nakaready na ako sa pagpasok sa office at hindi ko alam kung ganun din ba si Austin.

Simula ng marinig ko ang pag uusap nilang dalawa ni Giselle kagabi, hindi na ako bumalik na kwarto ni Austin at dito na tinuloy ang pagpapahinga ko. Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos dahil sa mga narinig ko sakanila.

Nakakainis! Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na tumira ulit dito o hindi. Pakiramdam ko kase lalo lang akong masasaktan kapag mag i-stay pa ako sa lugar na to.

Time check 7 am palang, nagugutom na ako dahil hindi naman ako nakapag dinner kagabi. Maaga din ako nagising para sana ipag luto ng breakfast si Austin para sabay na kaming kumain at umalis.

Pagbaba ko ng hagdan, dumiretso agad ako sa kusina. Sakto naman na may narinig akong ingay sa loob at mukhang may tao doon.

"Aus--" hindi kona natuloy ng makita si Giselle dito sa loob ng kitchen.

"Austin ready na ang breakfast-- Ops. Hi Andrea, good morning" inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Hanggang dito ba naman dadalhin niya ang kaplastikan niya? Tsk.

Napatingin ako sa mga pagkain na hinanda niya.

"Ikaw ba ang bagong hinire na cook ni Austin?" nakangisi kong tanong. Mabilis naman na nawala ang ngiti sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
"well. Austin is now a married man. Hindi niya na kailangang mag hire ng cook dahil obligasyon ng ASAWA niya na ipagluto siya. Malas lang niya at isang tamad na babae ang nakuha niya" inis ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya.
"anong sinabi mo?" hiyaw ko habang nakayukom ang dalawang palad ko ng dahil sa inis. Wala talagang kupas ang babaeng to' na inisin ako.

"see? Bakit masyado ka yatang affected?" nakangisi niyang tanong.
"hindi ako affected, ang saakin lang. Alam mo naman pala na may asawa na, nakikisawsaw kapa. Tulad nalang ngayon, sayo na nanggaling na obligasyon ko na gawin ang mga bagay na yan pero bakit ikaw ang gumawa? Ano yun? Feeling asawa ka din?" nakangisi ko namang tanong. Parang gusto kong tumawa ng malakas dahil sa naging reaksyon niya ng dahil sa sinabi ko.

"Sumusobra kana!" hiyaw niya sabay tulak saakin dahilan para mapakapit ako sa upuan na malapit saakin.

"Andrea" nalipat ang tingin ko sa pinto ng kitchen ng marinig ko ang boses ni Austin. Kaagad niya akong nilapitan at pumagitna saamin ni Giselle.
"Giselle ano bang problema?" seryosong tanong sakaniya ni Austin, hindi naalis ang inis sa mukha niya habang nakatingin parin saakin.

"Si Andrea ang nag simula" sagot niya dahilan para taasan ko siya ng kilay.

"Andrea let me explain why she's here--" umayos ako ng tayo at nilipat ang tingin ko kay Austin.
"Kahit wag na. Dahil kahit ano pang explanation ang sabihin mo, hindi non mababago ang katotohanang nag papasok ka ng ahas dito sa pamamahay natin. Malay koba kung dito na din pala yan nakatira?" sabi ko bago sila talikuran.

Arggh! Nakakainis! Makalapit lang talaga ako sa babaeng yon at hindi ko talaga siya titigilan hanggat hindi ko napagbabalibali ang mga buto niya. Tsk.

Pinatulog/y niya si Giselle sa bahay niya ng hindi man lang sinasabi saakin. Tsk. Ibang klase.

Paglabas ko ng bahay nakalimutan ko na naiwan ko pala ang kotse ko sa office dahil sumabay lang ako kay Austin kagabi. Hays! Bahala na nga. Maglalakad nalang ako hanggang kanto.

Ayoko namang mag book pa ng grab taxi dahil matagal pa yun at siguradong mag hihintay pa ako ng ilang minuto dito. Psh.

Nagsimula na akong maglakad sa kalsada habang hindi parin maalis ang inis na nararamdaman ko na gawa ni Giselle. Ano ba talaga ang rason niya at bakit kami ni Austin ang ginugulo niya?

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon