CHAPTER TWENTY THREE

3.3K 91 6
                                    


[ANDREA POV]


Pagmulat ko, agad kong inilibot ang paningin ko sa kabuoan ng silid kung nasaan ako ngayon at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makita na nandito ako sa loob ng kwarto ko dito sa headquarters.


"Emerald, thank God at nagising kana, kumusta ang pakiramdam mo?" si Harley ang unang lumapit saakin sabay abot ng isang basong tubig at inalalayan naman ako ni Daisy na makaupo sa kama.
"A-Ayos na ako," tipid kong sagot at tumingin kay Flynn na ngayon at lumapit din saakin.

"ano bang nangyari? Bakit may humahabol sayo kanina?" tanong niya habang seryosong nakatingin saakin. Umiwas ako ng tingin bago umiling.
"H-Hindi ko din alam. Pero malakas ang kutob ko na isa yon sa mga tauhan ni Giselle. Nahuli niya kase ako na sinusundan siya, p-pagkatapos non.. Bigla nalang may sumunod saakin. Flynn I'm sorry kung pumalpak ako." paumanhin ko.

"Si Austin? Kumusta na siya? Delikado ba ang lagay niya?" alala kong tanong ng bigla kong maalala na may tama pala siya ng baril kanina.
"don't worry, daplis lang ng bala ang nakuha niya. Mabuti nalang at hindi siya nagpumilit na sumama saatin kanina ng maisakay kita sa kotse. Tinanong niya din ako kung anong relasyon ko sayo--" paliwanag niya kaya napatango tango naman ako.
"anong sinabi mo?" curious kong tanong at hinintay siya na sumagot.

"Sinabi ko na girlfriend kita--" nilakihan ko siya ng mga mata dahil sa sagot niya.

"A-Anong sabi mo?!--" gulat kong tanong at mabilis na napahawak sa noo ko ng bigla nanaman akong makaramdam ng hilo.
"Oh? Ayos ka lang?" tanong pa ni Daisy.
"sinabi ko kase na tumawag kayo ng doctor-" sabi pa ni Flynn at inis na nilipat ang tingin kay Daisy at Harley. Bumuntong hininga ako.

Sasabihin ko ba sakanila?

"excuse me, nakalimutan niyo na ba? I'm a registered nurse too. Hindi niyo na kailangang tumawag ng doctor dahil nandito naman ako." seryoso kong tinignan si Harley ng bigyan niya ako ng makahulugang tingin..

"eh bakit nakatunganga ka lang diyan? Nasaan ang mga gamot? " hiyaw sakaniya ni Flynn.

"easy. Makakasama kay Emerald kung basta basta lang siya iinom ng kung anong gamot" sabi pa niya at nginitian ako.
"ts. What are you talking about? Ako nalang ang kukuha ng gamot---" sabi ni Flynn at aalis na sana ng bigla siyang pinigilan ni Harley.

"makinig ka muna kase, pwede ba? Buntis si Emerald, and I'm pretty sure that she knows it already. Right?" sabay sabay silang napatingin saakin. Bumuntong hininga ako bago umiwas sakanila ng tingin.

"Are you sure? Eh simula nga ng dumating kami dito, wala ka namang ginawa kundi ang tumunganga lang diyan. Ni wala ka ngang ginawang test para iconfirm yang sinasabi mo" saad naman ni Daisy. Kung ganon, paano niya nalaman na---.


"No need. Nakita ko ang PT na ginamit mo na nasa trash can kanina." muli akong napabuntong hininga at tamad siyang tinignan. Pati ba naman basurahan ko pinapakialaman ng babaeng to?

"Kung ganon, bakit hindi mo sinabi saamin? Ano na niyang balak mo? Itutuloy mo pa ba ang mission na to' ? Kung hindi, maiintindihan namin, pero kung gusto mo talagang ituloy, si Sire nalang ang kausapin mo. Baka ako pa ang masisi kung sakaling may masama nanamang mangyari sayo." seryoso nitong saad habang nakatingin saakin. Hindi ako agad nakasagot dahil ako din mismo hindi alam kung anong gagawin. "Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yon' pero para talagang gustong sirain ng Austin na yon ang mukha ko ng sabihin ko na boyfriend mo ako. Hays. Dapat pala hindi ko nalang sinabi yon. Pero kung hindi ko yon ginawa, baka hindi niya ako payagan na isabay ka saakin paalis. Tsk" pagpapatuloy ni Flynn bago tuluyang lumabas ng kwarto. Psh. Eh ano naman kung malaman ni Austin na may boyfriend ako e siya nga----Hays. Ewan ko sakaniya. Naiinis tuloy ako!

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon