CHAPTER FIFTHTEEN

3.4K 89 4
                                    


ANDREA POV


Pagkatapos kong maihatid si Flynn, dumiretso muna ako sa isang restaurant para kumain dahil gutom na gutom na talaga ako.

Hindi ko alam pero nacurious talaga ako sa mission na tinatrabaho ngayon ng mga agents na kasama ko, lalo na't dawit doon si Francine na wala paring kasiguraduhan kung buhay pa nga ba o patay na.

Susubo na sana ako sa pagkain na inorder ko ng bigla kong nakita si Lilian na papasok din nitong restaurant at mabilis na nag tama ang paningin naming dalawa.

Mabilis ko nalang iniwas sakaniya ang tingin ko at nagkunwaring hindi siya napansin.

Isa pa yang babae na yan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto saakin ts.

"Hey Andrea!" bati nito sabay patong ng hand bag niya sa taas ng table ko. Magsasalita na sana ako ng mapatigil ako dahil sa lalaking kasama niya ngayon.

Hindi ko napansin na may lalaki pala siyang kasama na pumasok dito sa loob.

"anong kailangan mo?" walang gana kong tanong at umayos ng upo para maayos ko din siyang tignan. Hindi ako pweding magkamali, ito nga yung lalaking yon. Nagkita na kami noon.

"nah. We're about to have lunch here. Pwede ba kaming makitable? Since wala ka naman sigurong kasama I guess" iniwasan ko siya ng tingin para hindi siya irapan at pasimpleng tumingin sa mga bakanteng tables.

Peke akong ngumiti.

"Bahala ka" maikli kong sagot. Kaagad naman siyang tumango at umupo na sa tabi ko kasabay nung lalaki na kasama niya.

"waiter" hiyaw ni Lilian. Pasimple ko naman na tinignan ulit yung kasama niya ng makita na nakatingin parin pala siya saakin.

Hindi ko nalang yun pinansin at tinuon na ang sarili ko sa pag kain. Kasalukuyan na ding umuorder si Lilian ng pagkain para sakanila.

"Anyway Andrea this is my boyfriend, Kier. Napansin ko lang na kanina kapa tingin ng tingin sakaniya, do you know him?" seryoso ko siyang tinignan. Ako pa ngayon ang tingin ng tingin eh halos hindi nga inalis ng boyfriend niya ang tingin saakin kanina pa.

Teka ano daw? Kier? So tama nga ako, siya nga ito.

Naalala ko kase noon yung kinidnap ako ni Oliver at may kung anong sinabi about sa Axes League at isa sa mga higher member non si Kier na pinakilala niya din saakin.

Well, matagal na din yon at wala na din akong naging balita sa Axes League kaya hindi na yon big deal saakin ngayon.

"Nope. Hindi ko siya kilala" sagot ko at ngumiti. Ngumiti din si Lilian.
"that's good." sagot naman niya at muling tumingin sa boyfriend niya.

"hmm. Rest room lang ako, excuse me" biglang paalam niya. Hindi ako umimik at hinayaan lang siya na makaalis.

"Nice to meet you again Andrea. Mukhang hindi mo parin ako nakakalimutan, same as I" inirapan ko siya at muli siyang tinignan ng seryoso.

"Don't act like we're close to each other. Isang beses lang naman tayo nagkita diba?" sabi ko pa.
"Yep. Many years passed at madami din akong naging balita sayo." nakangiti nitong saad dahilan para taka ko siyang tignan.

"So, what can you say about Giselle? You two already met right?" lalo akong naguluhan sa sinabi niya, at paano napunta si Giselle sa usapan?

Since girlfriend naman nito si Lilian malamang ay kilala niya na nga si Giselle.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon