CHAPTER NINETEEN

2.9K 89 3
                                    


[ERVEN POV]

"Really bro?! Hiniwalayan mo si Andrea ng ganon ganon lang? Are you still on your consciousness Austin?" Xander ask wearing his unbelievably face. Napailing ako at hinintay ang isasagot ni Austin.

Kaaalis lang ni Clark, or should I say Attorney Wilson kanina lang kaya agad kaming nakasense na may kakaiba nanamang ginawa itong si Austin na hindi namin alam.

And guess what? About nanaman pala yon sa annulment nila ni Andrea.

"Bro relax, mas mukha ka pang affected kesa kay Austin. Chill bro" sabi naman ni Steven, he's right. Austin is calm like nothing happened. Ano ba talaga ang plano niya? Kahit kami ay hindi na namin alam ang mga hidden agendas niya na dati naman ay alam na alam namin. Ngayon, parang kahit na kami pinaglilihiman na niya.

"I want everything to be settled. And I can't do that if Andrea is still on my side. Ayokong may madamay sa gulo na to na kahit na sino. So please, stop asking about our issue. Labas na kayo doon" he said while pouring tequilla on his glass. Nanatili lang ako na tahimik dahil hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

Bumalik si Andrea para kay Austin, at ganito lang pala ang gagawin sakaniya ni Austin. Hindi ko lang alam kung ano na ang ginagawa ngayon ni Andrea or nasaan naba siya dahil umalis daw ito pagkatapos nilang magtalo kaninang umaga and it's already 11pm.

"Even us? Wala kana bang tiwala saamin ngayon bro? Ano ba talagang plano mo?" tanong ulit ni Xander.

"Giselle is Pregnant, siya muna ang iisipin ko"  three pairs or eyes glared at him.
"you mean, you're choosing Giselle over Andrea? Just because of her damn pregnancy? Sapat na bang dahilan yon? Bro madami pang paraan para malusutan mo ang pagbubuntis ni Giselle, pero mas pinili mo ang napaka babaw na dahilan. You're definitely insane" bigla kong saad. Ano ba talagang tumatakbo sa isip niya ngayon?

Saakin naman nalipat ang mga tingin nila.

"Woah. Are you for real? Did we heard something about loyalties from you? As far as we've know, isa ka din sa hindi marunong mamili at magpahalaga ng babae noon, kaya nga madami ka ng babaeng naloko diba? At kung hindi ka pa napunta sa isang strict at palaban na babae, hindi ka magtitino." sinamaan ko ng tingin si Steven "and about sa situation nila ni Austin, paano mo nasabi na dapat si Andrea ang piliin ni Austin kung ikaw mismo, hindi alam ang halaga ng isang babae?" pagpapatuloy pa niya.

"wag niyo nga ibalik saakin ang usapan. Out na ako dito, sinabi ko lang ang nasa isip ko-" pagdadahilan ko naman.

"Then who is the girl you are with, two days ago?" nangingisi nitong tanong dahilan para lakihan ko siya ng mata.

"what the. Y-You saw us?" utal kong tanong. Lalo pang ngumisi ang loko.

"Yeah. You look so happy infront of her while you were eathing together inside the restaurant--" I cut his word. Masyado talagang ma issue ang lalaking to'
"She is Eva's cousin" I said, pointing my middle finger on him.

"hindi na ako nagloloko, ano? Trip mo ba si Monique? Pakilala kita gusto mo?" ako naman ang napangisi. Mukha namang nadismaya si Steven dahil sa sinabi ko.

"nevermind" sagot nito at muling tumingin kay Austin.

"He has a point. About lang ba talaga sa pregnancy ni Giselle ang dahilan mo?" pagiiba ni Xander sa usapan habang seryosong nakatingin kay Austin.

"just let me handle this situation, alone. Wag na kayong mag himasok" talaga bang ayaw niyang sabihin saamin ang tunay niyang dahilan? Wala na ba siyang tiwala saamin?

"That's not the point bro. Concern lang naman kami kay Aurea-" sabay sabay kaming napatingin kay Xander.

Sa wakas, na tumbok niya din. Ayaw ni Austin na sinasali si Aurea sa usapan kaya hanggat maari hindi namin ito binabanggit pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon