CHAPTER EIGHT

3.6K 87 11
                                    


[ANDREA POV]


"Salamat sa lahat Kristoff! Don't worry palagi kitang bibisitahin dito sa penthouse mo" sabi ko habang dala ang isang bag na ang laman ay ang mga damit at ibang mga gamit ko.
"Nah. Bahala ka. Basta palaging bukas itong penthouse ko kung sakaling maisipan mo nanaman na bumalik dito" naiiling niyang sagot sabay ngisi.

Well.. Wala naman akong ibang mapupuntahan sa oras ng kagipitan kundi siya lang. Kaya welcome man ako o hindi dito sa penthouse niya. Dito parin ako pupunta kapag nangangailangan ako.

"tss hindi mo ba ako mamimiss?" biro kong tanong pero deep inside totoo.
"bakit? Ako ba mamimiss mo?" sagot naman niya at lumapit saakin ng isang hakbang, naamoy ko tuloy ang gamit niyang creed aventus fragrance na pabago dahil sa lapit niya saakin.

Hmm. Bilib naman ako sa pagiging loyal ni Kristoff sa pabangong ito. Dahil sa tagal na naming magkakilalang dalawa eto na talaga ang pabangong ginagamit niya, kaya kabisado ko na din ang amoy nito.

Umiwas ako sandali ng tingin.

"Syempre naman mamimiss kita--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lalo pa siyang lumapit saakin dahilan para mapaatras ako at naramdaman ang malamig na pader sa likuran ko.

Hindi ako makatingin ng deretso sakaniya dahil sa pag ka ilang. Ano bang binabalak nitong gawin at ganito siya umasta?

Lalo akong nakaramdam ng kaba ng dahan dahan niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko at inangat ang mukha ko dahilan para magsalubong ang mga mata namin sa isa't isa.

Shit. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit ng mukha niya saakin.

Napapikit ako ng mapansin na handa niya na akong halikan ng biglang...


"Ahhh K-Kristoff! Masakit!" hiyaw ko ng maramdaman na bigla niyang pinisil ang dalawang pisngi ko at pinang gigilan ito.

"syempre mamimiss kita. Sa cute mo ba naman na yan?!" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya.
"Nakakainis ka!" hiyaw ko at inis siyang tinulak paalis sa harapan ko habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ko dahil sa pagpisil niya.


Bigla siyang tumawa.



"naiinis ka dahil sa ginawa ko diyan sa mukha mo o dahil hindi natuloy ang gusto mong mangyari?" tanong niya habang nakasunod saakin.

Huminto ako at saka siya inirapan.

"gusto kong mangyari? Duh" pagtataray ko at lalabas na sana ng pinto ng marinig ko ulit ang boses niya.

Minsan talaga hindi ko maiwasang ma curious  sa mga bagay na tumatakbo sa isip ng lalakeng to.


"Andrea" napatingin ako sakaniya dahil biglang sumeryoso ang boses niya. Mabilis akong humarap sakaniya.
"bakit?" curious kong tanong dahil mukhang importante ang sasabihin niya.

Bumuntong hininga siya at tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"Paano kung makagawa ako ng isang bagay na talagang ikagagalit mo? Hindi mo na ba non ako mapapatawad?" lalo akung napuno ng pagtataka dahil sa tanong niya.
"a-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"basta sagutin mo nalang. What if bigla akong makagawa ng bagay na ayaw mo, for sure magagalit ka. Mapapatawad mo pa ba non ako? Itatapon mo nalang ba non basta basta ang pinagsamahan natin--" napahinto siya sa pagsasalita ng hawakan ko ang kamay niya at hinigpitan yon.

"Kristoff.. Kahit ano pa yang magawa mo na ikagagalit ko, syempre matatawad parin kita. Gaano man kalala yang magagawa mo mangingibabaw parin saakin ang pagkakaibigan natin at hindi ko hahayaang masira yon ng basta basta." paliwanag ko at ngumiti. "Bakit mo ba yan natanong? May balak ka bang gumawa ng bagay na alam mong ikakagalit ko sayo?" tanong ko naman. Mabilis siyang umiling at tumingin saakin.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon