CHAPTER THIRTY TWO

4.4K 102 5
                                    


AUSTIN POV

"she might be mad but still, she will understand this all. Kilala mo si Andrea, she can always forgive us. Lalo na't alam niya na para sakaniya ang lahat ng ginagawa natin." sabi ni Tito Arman sabay tapik sa balikat ko. I nod and give him a glance.
"thanks tito. How I wish, that I will be forgiven immediately. You also know your niece. Kapag ako ang nakagawa ng mali, parang ako na ang pinaka masamang tao sa paningin niya. And that's mean. Really mean" mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko at seryoso akong tinignan.
"you can still handle her attitude, aren't you?" he said while smirking.
"Yeah. Fine" I said before had a deep breathe. Well, I had no choice.. I love her that's why I need to love her attitude too. Dang.
"good. Mauna na ako. Ikumusta mo agad ako kay Andrea kapag gising na niya. Hindi na ako mag tatagal" paalam niya kaya tumango na ako at hinayaan siya na makasakay na sa sarili niyang sasakyan na nandito sa parking lot.

When his car started to move, I immediately get my phone because I need to call my secretary to cancel all my appointment for this week.

I need to take care of Andrea as well as our newborn son. I want to give all of my attention to them before to anything else.
.

"shit" I groan when someone hit my back with a hard steel that causes me to kneel. Lilingon na sana ako sa gawi ng tao na gumawa saakin non ng muli niya akong hinampas sa likod ng ulo dahilan para tuluyan akong mawalan ng malay.

There's nothing comes in my mind but Andrea. Damn.

ANDREA POV

Nagising ako ng marinig ang ingay sa paligid ko. Puting kisame ang bumungad saakin ng maimulat ko ang mga mata ko dahilan para mabilis akong mapaupo sa kama na hinihigaan ko.

"mommy!" hiyaw ni Aurea at mabilis na lumapit saakin, hindi ko siya agad tinapunan ng tingin ng makita si Louise na buhat buhat ang anak ko. Agad naman siyang ngumiti at lumapit saakin.
"Gising kana pala" saad pa niya at dahan dahang ibinigay saakin si Lucas na mahimbing palang natutulog.

"ang anak ko" bulong ko at pinagmasdan ang maamo niyang mukha, parang bawat detalye at kurba ng mukha niya ay unti unti ko ng nakakabisado. Bilugan na mukha, medyo singkit na mga mata, mahahabang mga pilikmata matangos na ilong at mapulang labi. Ang gwapo ng anghel ko.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon, ganito pala kasaya ang mayakap ang bagong silang na sanggol. Nakakapag sisi at hindi ko yon naranasan kay Aurea noon.

"mommy ang cute po ng baby brother ko po, at ang liit niya pa. Hindi pa kami makakapag laro diba?" sabi ni Aurea at sinilip din si Lucas. Ngumiti naman ako at tumango bago haplusin ang pisngi niya.
"Oo, kailangan na muna natin siyang alagaan at palakihin. Tutulungan mo naman si mommy na alagaan ang baby brother mo diba? " nakangiti ko pang saad. Mabilis na tumango si Aurea at hinaplos naman ang ulo ng kapatid niya.

"m-mabuti at nandito kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Louise at Lawrence. Ngumiti si Louise at umupo doon sa sofa na katabi ni Lawrence.
"nakisuyo saamin si Austin na dalhin dito si Aurea, tutal wala naman itong makakasama sa bahay niyo ngayon." tumango ako dahil sa sinabi niya at nilibot pa ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto pero walang Austin akong nakita.

"Kung hinahanap mo si Austin, lumabas siya kanina para ihatid ang Uncle mo sa labas na dumalaw din dito, hindi na sila nag abala na gisingin ka. A-Alam mo na siguro kung bakit" biglang saad ni Lawrence dahilan para mabilis akong mapaiwas ng tingin sakanila ng muli kong maalala ang pinag usapan namin ni Austin kaninang umaga.

Oo galit parin ako sakanila pero gusto ko munang isantabi ang galit ko alang alang dito sa munti kong anghel. Ayoko munang isipin ang mga problema namin at gusto ko na munang ituon ang isip at atensyon ko dito kay Lucas at Aurea.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon