CHAPTER SEVEN

3.8K 91 2
                                    


[ANDREA POV]

Maaga ako bumangon kahit na wala namang pasok ngayon sa office dahil linggo. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto para tignan kung gising na ba si Kristoff. Balak ko na kasing bumalik ulit sa bahay ni Austin at bago ko yun magawa, kailangan ko munang magpaalam sakaniya dahil dito ako nakatira sa penthouse niya.

Gustong gusto kona kase talagang maayos na ang relasyon namin ni Austin. Siya na mismo ang nag sabi na magkaibigan lang sila ni Giselle kaya kailangang bumalik na ulit ako sakaniya bago pa lumalim ang pagkakaibigan nilang yon.

Sakto naman na paglabas ko ng kwarto, agad kong nakita si Kristoff na nakaupo sa sofa habang seryosong nakatingin sa laptop na nakapatong sa hita niya.

Lumapit ako sakaniya at mabilis niya namang tiniklop ang laptop niya at nilipat ang tingin saakin.

"A-Andrea" saad niya. Umupo muna ako sa tabi niya bago magsalita.

"Good morning Kristoff. Anong ginagawa mo? Mukhang busy ka ah" tanong ko sabay tingin ulit sa laptop niya. Agad naman siyang umiling at ngumiti.
"w-wala naman. Anyway nagluto na ako ng breakfast, kumain kana doon" sabi pa niya. Sumimangot ako.

"hindi mo ako sasabayan?" tanong ko pa.
"hindi na. Katatapos ko lang" sagot niya naman.

"Anyway may gusto sana akong sabihin sayo. Kagabi pa kita gustong makausap, kaya lang late kana nakauwi diba?" saad ko. Dahil hinintay ko talaga siya kagabi pero hanggang sa nakatulog ako, wala parin siya.
"Oo eh. Medyo madami kasing ginagawa sa office. Ano naman ang gusto mong sabihin saakin?" seryoso niyang tanong. Matamis akung ngumiti.

"Babalik na ako sa bahay ni Austin" masaya kong saad. Hindi naalis ang pagkaseryoso sa mukha niya.

"mabuti naman kung ganon. Ayos na ba kayong dalawa?" tanong naman niya.

"hindi pa kami totalling nagkaayos pero at least pinayagan niya na ako na bumalik sa bahay niya." paliwanag ko naman. Tumango siya.

"Paano si Giselle?" ako naman ang sumeryoso ng tingin dahil sa tanong niya.
"wala namang namamagitan sakanilang dalawa. Alam kong kapatid mo si Giselle at hindi maiiwasan na mag alala ka sa nararamdaman niya--" hindi kona natuloy.
"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin. At hindi kami magkapatid okay?" medyo inis niyang sagot. Talaga ngang hindi niya kayang tanggapin si Giselle bilang kapatid niya.

"eh ano??" tanong ko naman.
"parehas nating alam na may gusto si Giselle kay Austin. Paano kung gumawa yon ng paraan para lalo kayong hindi magkaayos ni Austin?" seryoso niyang tanong. Napabuntong hininga ako.

"Hindi naman siguro siya ganon ka sama para gawin  ang bagay na yon--" napatigil ako.
"Pero hindi mo siya kilala. Hindi mo alam kung ano ang mga kaya niyang gawin. Lalo na sayo" seryoso niyang saad. Napatahimik ako.

Ano ang ibig niyang sabihin?

"Basta gawin mo ang lahat para hindi niya makuha sayo ang asawa mo. Mag ingat kayong dalawa ni Austin sakaniya. Bantayan mo ng mabuti si Austin dahil hindi niyo alam kung ano ang totoo niyang pakay sainyong dalawa" sunod sunod niyang paliwanag bago ako iwan dito sa sofa at pumasok doon sa kwarto niya.

Huh? Anong problema non? At ano ba ang ibig niyang sabihin tungkol kay Giselle? Kung makapag salita siya parang kilala niya na ito pero tulad ko hindi niya din naman ito kilala dahil nga sa noon niya pa sila iniiwasan ng step mom niya. Hays.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo na din para pumunta sa kitchen. Kakain na muna siguro ako, then after non aayusin ko na ang mga gamit ko at ihahatid yon sa bahay ni Austin.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon