CHAPTER EIGHTEEN

2.9K 86 14
                                    


[ANDREA POV]

Maaga akong nagising kahit na wala namang pasok ngayon dahil linggo. Kadadating lang namin kahapon galing isla at may ilan pa kaming araw para sulitin ang break namin.

Pero hindi ko alam kung sulit ba talaga dahil after naming mag celebrate ng christmas at new year, balik problema nanaman. Akala ko naman magiging mabait na saakin ang taong ito pero mas lalo yatang lumala.

At hanggang ngayon, hindi pa din kami nag uusap ni Austin. Ramdam ko ang pag iwas niya saakin at hindi ko alam kung dahil ba yon sa nangyari sa isla o may iba pang dahilan. Wag niyang sabihin na naniniwala siya kay Giselle? Kung may tiwala siya saakin at kay Erven, hindi siya maniniwala sa kasinungalingan na babaeng yon.

Ang galing talaga manira ng relasyon ang babaeng yon! Pati tuloy si Eva at Erven hindi parin nagkakaayos ng dahil sa paninirang ginawa niya!

Napatingin ako sa tabi ko ng makitang wala na si Austin doon. Dahan dahan akong bumangon. At tumingin sa cellphone nito na nakapatong lang sa night stand.

Hindi kona sana yon papakialaman ng makita kong umilaw ito hudyat na may isang message na pumasok.

Sumalubong saakin ang pangalan ni Giselle pero hindi lang yon ang nag bigay saakin ng inis dahil may password na ngayon ang cellphone ni Austin.

Really?! May tinatago ba siya saakin?!

Dahil hindi ko naman mabasa yung message, binalik ko nalang yung cellphone kung saan yon nakapatong, taka ko namang kinuha yung folder na nakapatong doon sa night stand katabi ng phone niya at mabilis tinignan kung ano ang laman non.

Ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang annulment paper namin na laman non.

Bakit ito nandito?!

Makikipag hiwalay na ba siya saakin?!

Agad akong pumasok sa bathroom para maghilamos muna pagkatapos ay agad na ding bumaba para hanapin kung nasaan ba si Austin habang hawak ang annulment paper namin.

Dumiretso agad ako sa kusina ng makarinig ng kaluskos mula doon.

"Tito, I received many christmas gifts po. And lolo gave me a huge doll house, pede niyo po akong samahan maglaro non?" ang masiglang boses agad ni Aurea ang narinig ko ng makalapit ako sa pinto ng kusina, at hindi nga ako nagkamali.

Nandito nga sa loob ng kusina si Austin at Aurea habang kumakain ito ng almusal.

"Good morning tita Andrea" bati nito ng makita ako kaya mabilis akong ngumiti. Lumipat naman ang tingin ko kay Austin ng mapansin na napatingin din pala siya saakin.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko bago ipatong sa dining table ang envelop na hawak ko.

"akala ko ba tinapon mo na yan?!" hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil diyan sa bagay na yan. Ano bang pinaplano niya?!.

"Andrea I'm sorry--" lalong napuno ng pagtataka ang isip ko ng dahil sa sinabi niya.

"Austin anong sorry? Ano bang gusto mong mangyari?" inis ko paring tanong. Bumuntong hininga siya at sandaling lumingon kay Aurea.

"Mamaya na tayo mag usap" sabi naman niya, pilit akong tumango at inis na lumabas ng kusina.

Ano ba talagang balak niya?

Kung hihiwalayan niya ako ng dahil lang sa nangyari.. Hindi ako makakapayag doon.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na sila ng kusina at agad lumapit saakin si Aurea dahil nandito lang ako sa sala habang hinihintay si Austin.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon