CHAPTER TWENTY ONE

3.4K 91 17
                                    


[ANDREA POV]

Nakahawak ako sa sikmura ko habang walang tigil sa pag duduwal, shit. Umagang umaga hindi na agad mabuti ang pakiramdam ko.

"Andrea, ayos ka lang? Ano bang nakain mo?" alalang tanong ni Harley matapos hagurin ang likod ko. Nagmumog muna ako bago umupo sa takip ng toilet bowl at hinawakan ang sentido ko dahil nahihilo talaga ako.
"H-Hindi ko alam" utal kong sagot habang nanghihina parin.

"Wag kana muna kayang pumasok ngayon?" tanong niya bago ako abutan ng tubig. Agad ko naman yong tinanggap at agad ng tumayo.

"Hindi pwede. Isang linggo akong wala diba? Tapos madami pa akong hindi natapos na mga paperworks kahapon. Hindi na ako pweding umabsent ulit" sabi ko pa bago ibalik sakaniya yung baso matapos akong uminom doon.

"ganon ba? Ipagkukuha nalang kita ng gamot. Anyway puntahan mo si Sire sa office niya ngayon. Gusto ka niyang makausap" dahan dahan akong tumango at lumapit na sa pinto ng bathroom.

"Okay. Sige, kailangan ko ng maligo at mag ayos. Baka malate pa ako" saad ko at hinayaan na siyang makalabas.
"basta kung may iba ka pang kailangan, tawagin mo lang ako." sabi naman niya bago ako tuluyang iniwan.

Sinara kona ang pinto ng banyo bago humarap sa salamin na malapit saakin.

Ano ba ang problema? Kahapon pa hindi maganda ang pakiramdam ko, ilang araw na ding delay ang buwanang dalaw ko na hindi naman dapat nangyayari. H-Hindi kaya...

Agad akong pumikit at umiling.

Hindi pwede.


Wag ngayon.



~/~

Huminga ako ng nalalim bago kumatok sa office ni Tito bago tuluyang pumasok. Pagkatapos kong nag ayos dumiretso na agad ako dito.

Nakita ko siya na nakaupo sa sofa malapit sa office table niya kaya lumapit ako sakaniya at umupo naman sa couch na tabi non.

"Tito, pinatawag niyo daw po ako" saad ko sa normal na boses. Ayokong ipahalata na masama ang pakiramdam ko.

Ibinaba niya muna ang tasa ng kape na hawak niya bago magsalita.

"aalis kana?" tanong niya. Inayos ko ang blouse na suot ko at pasimpleng tumingin sa wristwatch na nasa kaliwang braso ko bago sumagot.
"m-medyo maaga pa naman Tito, baka mamaya pa" sabi ko at ngumiti. "bakit niyo pala ako pinatawag?" tanong ko ulit.

"Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sainyo ni Austin, akala ko ba ayos na? Sabihin mo nga saakin ang totoo, ano ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay niyo?" sunod sunod niyang tanong dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
"Napag usapan na natin yan diba? Sinabi kona po ang dahilan." saad ko bago huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"noong isang araw. Pagkatapos nating mag usap, tumawag saakin si Austin. Tinatanong niya kung magkasama ba tayo, nag aalala siya sayo" paliwanag niya. Humigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko bago ibalik ang tingin sakaniya.
"t-tumawag siya? Anong sinabi niyo?" mabilis kong tanong. Bumuntong hininga muna si Tito bago sumagot.

"sinabi ko na wala ka dito. Na hindi tayo magkasama. Nag usap naba kayo ulit? Wala pa ba siyang nasasabi sayo tungkol sa anak niyo?" taka ko naman siyang tinignan.
"anak namin?" naguguluhan kong tanong. Hindi siya sumagot.

"nag usap kami kahapon, lalo lang kaming nag away. Kinalimutan niya na na may anak kami. Galit ako sakaniya Tito, kung pwede lang na huwag na akong pumasok sa office gagawin ko para lang hindi kona siya makita." inis kong saad.
"wag kang mag alala, kakausapin ko siya tungkol diyan--" sabi ni Tito kaya agad akong sumagot.
"hindi na kailangan. Bahala na siya sa buhay niya. Hiwalay na din kami diba? Wala ng rason kung ipagpipilitan ko pa sakaniya yung taong matagal ng wala. Mabuti nalang at hindi na kami uli nagkaroon pa ng anak dahil siguradong ang anak namin ang mas maaapektuhan kapag nagkataon." mahaba kong paliwanag.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon