CHAPTER TWENTY FOUR

3.3K 102 7
                                    


[GISELLE POV]


"Bakit ka nakangiti? Ano nanamang binabalak mo? Eh halos magwala ka nanaman nga kahapon dahil diyan sa mga nalaman mo, tapos ngayon. Mukhang ayos kana ulit" hindi makapaniwala na tanong saakin ni Lilian sabay upo sa harapan ko.

Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil bigla ko nanamang naalala ang mga sinabi niya.

[FLASHBACK]

Ilang araw akong nag kulong sa kwarto namin ng dahil sa ginawa saakin ni Andrea, kasalanan niya kung bakit nawala saakin ang anak ko, wala na siyang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko! Kulang ang buhay niya na kabayaran sa mga buhay na kinuha nila saakin. Kulang ang paghihirap na nararanasan niya kumpara sa paghihirap na dinanas ko ng dahil sakanila ni Austin! Kailangan nilang pagbayaran ang lahat ng yon!

Pahamak talaga ang Andrea na yan! Wala na siyang ginawa kundi sirain ang lahat ng mga plano ko!

Inis akong tumayo sa kama at tumingin sa pinto. Nasaan naba si Austin?!

Hindi niya alam na wala na ang anak namin at wala akong balak na ipaalam yon sakaniya hanggang sa tuluyan na akong makaganti sakanila ni Andrea. Kung magpapatuloy ang kunwaring pag bubuntis ko, magpapatuloy din ang pagtatanggol niya saakin. Hindi niya ako sasaktan at pag iisipan ng masama.

Lumabas ako ng kwarto at dahan dahang naglakad pababa ng hagdan.

Tahimik akong naglakad palapit sa sala ng marinig ko ang boses ni Steven.

Sumilip ako at nandiyan pala silang tatlo.

"So how's Giselle? Three days na since nadischarge siya sa Hospital. Bakit hindi ko yata siya nakikita na lumalabas?" dinig kong tanong ni Steven. Mas lalo akong lumapit sakanila para madinig ng maayos ang usapan nila at nag tago dito sa likod ng malaking vase para hindi nila ako makita.
"She's fine. Maybe she want to take some rest because of what happen, kaya ayaw niya munang lumabas." sagot naman ni Austin habang hawak ang shot glass nito.

"what about your view point about in that incident? Are you blaming Andrea because of that or not?" bigla namang tanong ni Xander. Hinintay ko ang isasagot ni Austin.

"there's no one need to blame, that is not her fault. Aksedente ang nangyari.. Hindi ko nakita ang buong pangyayari. Kaya wala akong karapatan na sisihin siya. And, I know that she can't do that, kilala niyo si Andrea" inis kong iniyukom ang mga palad ko. Hindi pa ba malinaw? Si Andrea ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak namin! Bakit hindi ako magawang kampihan ni Austin at yung Andrea pa din na yon ang kinakampihan niya?! Ako dapat ang kinakampihan niya dahil ako ang nasaktan, ako ang nawalan!

"Tama ka. Hindi yon magagawa ni Andrea, kahit galit siya kay Giselle, hindi niya magagawang idamay ang magiging anak niyo." dagdag pa ni Erven na lalo kong ikinainis.

Pareparehas silang lahat! Kahit anong mangyari, si Andrea pa din ang kinakampihan nila!

Tsk!

Inis akong naglakad paalis habang iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin at iganti sakanilang lahat.

Walang katarungan ang ginawa ni Andrea saakin lalo na ang pagkampi ni Austin sakaniya. Oo nga at hindi niya nakita ang buong pangyayari pero hindi niya dapat kinakampihan si Andrea! Ako dapat ang kinakampihan niya!

Humanda silang lahat saakin!


[END OF FLASHBACK]



Napangiti ako nang maipaliwanag kay Lilian ang buong plano ko.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon