Chapter 3: A Perfect Storm

8.8K 270 63
                                    

Diana's POV

"Ma! Nasa bahay napo ako!" Sigaw ko habang tinatanggal ko ang suot kong sapatos para ilagay sa shoe rack. Tahimik lang sa bahay dahil kaming dalawa lang naman ni bunso ang anak nila mama. Walang tao dito sa ibaba at patay din ang ilaw kaya umakyat na ako baka nasa taas silang lahat kasama si papa.

Pumunta ako sa hagdan, agad na umakyat at binuksan ko agad ang kwarto nila mama.

"Good afternoon, Ma." Nagmano ako kay mama. Katabi nya si papa na kasalukuyang natutulog.

Matagal ng may sakit si papa, na-stroke kasi ito. May barber shop ito dahil dati syang barber nung hindi pa sya nagkakasakit. Malakas ang kita noon ni papa pero dahil sa nangyari hindi na sya pwedeng bumalik sa trabaho. Kumuha nalang kami ng bagong barber na papalit sakanya.

Si mama naman ang madalas na nag-aalaga kay papa at ako ang toka ni mama dahil kailangan nyang umalis tuwing madaling araw para gumawa ng office works sa barangay hall tapos uuwi sya ng nine am para ako naman ang makapasok sa school.

Hindi naman kami mayaman kaya pinipilit ni mama na isingit ang maagang trabaho nya. Ilang oras lang din naman daw yun.

"Kumain kana ba 'nak? Nagluto ako ng tinola." Kahit may edad na si mama ay maganda parin ang mukha nito. May konting wrinkles ang mata nya pero bagay ito sakanya. May dimples din ito na nakuha ko. Mahinahon din itong magsalita gaya sakin.

Kaya kapag nasa bahay si Arty pana'y ang sabi nya na copy daw ako ni mama. "O bakit ganyan ka makatingin sakin, Art? Hmm... ikaw ah! Nagkakagusto kana sakin noh?" Tanong ko isang gabi noong namasyal si Arty at lola nya sa bahay namin noong mga bata pa kami.

"Yuck! Hindi noh! Kamukhang kamukha mo kase si tita Dinah kaya napapatitig ako sayo." Agad na paliwanag nito habang binibilog ang hawak nyang clay.

"Ahhh. Akala ko naman kung ano na eh. Ha-ha." Nakatawa kong sabi habang nilalaro din ang hawak kong clay.

"O diba!? Pati yang ngiti mo! Yung dimples mo! Ganyan na ganyan yung kay tita Dinah! Tapos sobrang hinhin din nya parang ikaw!" Sabay tusok nya sa dimples ko.

"Ano baaaa!! Wag mo namang tusukin Art! Ang dumi kaya ng kamay mo. May hawak kang clay, oh!" Simangot ko habang pinupunasan ang mukha ko.

"Ay sorry, Dee. Hindi ko napigilan. Ha-ha." sabi nito sabay taas sa mga kamay nya na para bang su-surrender na sya sa mga pulis.

"At normal lang na maging kamukha ko si mama Dinah. Mama ko sya, Art." Dugtong kopa.

Pinagmamasdan ko ang mukha ni mama ngayon at naisip ko na tama nga si Arty. Kamukhang kamukha ko ang mama.

"Wow tinola! Ang sarap naman nyan. Sige ma, kakain po ako mamaya. Kamusta na po pala si papa?" Na-upo ako sa tabi nya.

"Okay naman na ang papa mo. Kailangan lang nya ng pahinga at therapy. Naghire na ako ng magaling na physical therapist para lalong makarecover na sya at magawa na nya ang mga bagay na dati nyang ginagawa... Pero pag naka-recover na ulit ang papa mo hindi ko na sya pag ta-trabahuhin. Dito nalang sya sa bahay." Sobrang devasted kaming lahat lalo na si mama nung ma-stroke si papa. Takot na takot kaming mawala sya saamin.

Dahil din dito kung kaya't nahihirapan kami sa mga gastusin sa bahay. Wala namang pension si papa at insurance dahil independent lang naman sya kaya mejo nabaon kami sa utang noong nasa ospital pa sya.

Kaya nagsisikap akong makapagtapos ng pag-aaral. Para makahanap ako ng magandang trabaho at matulungan ko ang mga magulang ko.

Kailangan kong maging valedictorian to get into a decent university and earn scholarship money para hindi na problemahin nila mama.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon