A/N: Sorry to keep you waiting, darlings. Namiss ko kayoooo!!! *Iyaq* Don't worry hindi ko naman kayo iiwan sa ere gaya ng mga naka-M.U ninyo. Charot!! Haha
Alam nyo naman tayo girls, kapag time of the month sobrang sakit ng puson natin, eh kapag ganon wala ako sa mood magsulat.. kaya ngayon ko lang sya natapos. Anyway.. here's the new chapter. Hope you like it! More 2 come!!!
ALSO, listen to the attached music para mas ma-feel mo yung chapter na'to.
----------------------------Diana's POV
Pagkatapos ng meeting sa homeroom ay agad akong dumiretso sa ospital.
"Ma.. kung sabihin ko nalang po kaya kay Mrs Trenor na hindi na po ako tatakbo bilang Peer-Buddy? Ayokong malayo sainyo, lalo pa't hindi parin nagigising si papa." malungkot kong sabi kay mama.
Wala akong tigil sa pagdarasal na sana ay gumising na ang papa ko. Sobrang hirap ang makita syang ganito, parang tanging mga aparato nalang ang bumubuhay sakanya.
"Dee.. huwag ka ng mag-alala, hindi ko naman papabayaan ang papa mo. Ituloy mo na yang camping, makakabuti yan para sa iyong scholarship.." buong suportang sabi ni mama.
Hindi ko mapigilang sumimangot sa matinding lungkot. Hinawakan ko ang daliri ni papa, "Ma.. n-natatakot ako.. p-paano kung.. kung.. kung pagbalik ko wala na si pap--" may luhang namuo sa mga mata ko.
"Shh!!" Napalapit sa tabi ko si mama, "Huwag mong sabihin yan, Dee. Matapang ang papa mo! Kaya nya ito.. kaya ito ng papa mo." nanginginig ang boses nya, parang maiiyak narin sya.
Sa buong buhay ko, hindi ko pa nararamdaman ang ganitong klase ng pighati. Parang puno ng sakit ang puso ko.
Una dahil nga sa sitwasyon ni papa.. at ngayon naman dumagdag pa si Nephra.
I finally had the courage to ask her about our kiss..
Pero dineny nya iyon. Ang sabi nya saakin.. wala lang daw yun.
That she was just drunk.
But.. I felt what I did!
Hindi lang yun basta halik.
...
Pilit kong isinantabi iyon. Kung ano man itong nararamdaman ko para kay Nephra.Kailangan ni papa ang buong atensyon ko.
Wala ng lugar itong sakit na dulot ni Nephra. Alam nya kaya na madalas ko syang iyakan? Itong mga luhang kasalukuyang tumutulo ay hindi lang para kay papa.. deep down inside, alam kong ang iba rito ay para sakanya din.
Sinong mag-aakala?.. na darating ang panahong kakailanganin kong aminin sa sarili ko na may nararamdaman ako kay Nephra?
Kase alam naman nating.. hindi namin gusto ang isa't isa noon.
We hated each other! Pero mapagbiro ang tadhana.
Pinatibok nya ang puso ko sa taong hindi ko dapat mahalin.
Wala talagang kasiguraduhan ang hinaharap.. the future is scary.
But if there's one thing I knew for certain now, that is.. I'm hopelessly in love.
BINABASA MO ANG
(GxG) Let somebody love you 2019
Storie d'amore**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng bagay lagi sila ang magkalaban? *** Matalino si Nephra. It runs in their family. Kung kaya nama't gina...