Chapter 4: Ammunition

8.2K 263 38
                                    

Diana's POV

Maaga akong nagising ngayon, naabutan ko pa si Mama sa pag prepare ng kanyang mga gamit para sa trabaho. Sina bunso at papa mahimbing parin ang tulog.

"Dee, ang aga mo naman atang nagising. Nagising ba kita?" Bulong nito habang nilalagay nya sa ziplock ang sandwich na ginawa nya.

"Hindi naman po, Ma." Kinusot ko ang mata ko, mejo antok pa ako pero tumayo na ako dahil hindi narin naman ako makatulog.

Sumilip ako sa dalang paper bag ni Mama.

"Kumain kana. Gumawa ako ng chicken sandwich, at SpaRoni." Also known as Spaghetti Macaroni. Nambabalot na ng ikalawang sandwich si Mama, para sakin siguro yun.

Napatulala ako bigla kay mama. Sobrang sipag nito alagaan kaming buong pamilya nya.

Sya ang definition ng isang perfect mother and a perfect wife.

"I don't know how you do it, Ma." Naupo ako sa table kaharap sya.

"Simple lang yan, 'nak! Parang spaghetti lang yan pero macaroni shell lang gagamitin mo." Paliwanag nito, sumandok naman ito ng macaroni sa may styrofoam container.

"Hindi, Ma. Hindi yung macaroni ang tinutukoy ko... I'm talking about your strength.. Yung pagiging masipag mo. Kaya mong pagsabayin ang trabaho at pag-aalaga kay papa. Tapos hindi mo rin kami nakakalimutan ni bunso. Pano mo yun ginagawang lahat, Ma?" Nagiging emotional na ako. Sobrang bait talaga ni mama. I'm so grateful to have her as my mum, and as a friend.

Tumigil muna sya sa pag-aayos ng mga baon..

At tumingin sya saakin.

"Alam mo, anak... minsan kailangan mong gawin positive ang mga bagay na negative sa buhay mo. If you sit around and just whine sa lahat ng negative things na nangyayari sayo, you'll get lost. Mababaliw ka, life is just like that.. sasaya, lulungkot, tatawa ulit. Maghihirap, gagaan. Magkakasakit, gagaling. Laban lang ng laban sa mga bagong araw na darating... Halimbawa ang pagkakaron ng heart attack ng papa, hindi naman natin yun inasahan. Pero I chose to look at the bright side.. atleast diba mas nakakabonding na natin sya ngayun?" Nakangiti nitong pahayag. Hindi ko inexpect na ganun ka-positive ang mama Dinah ko. Sobrang strong talaga nya, I admire her.

She keeps everyone in this family strong.

"At ito ang tandaan mo, Dee. Huwag mong pabayaan ang sarili mo, kahit na alam mong marami kang pinagdadaanan, kailangan ay may oras ka parin para ingatan ang sarili mo.. ako nga mayroon journal eh. Nilalagay ko lahat ng thoughts ko dun, parang may pinagsasabihan ako sa mga bagay na gusto kong i-share sa iba." Nagtimpla ito ng coffee, at nilapag sa mesa ko.

"Wait! You have a journal?" Lumaki ang mata ko, I didn't know na journal person pala itong si mama.

"Oo naman, Dee! It's very therapeutic, I recommend it." While consuming her last bite sa sandwich na kinakain nya.

"Hindi ko alam yun ah.. well thanks, Ma." I said pagkatapos kung higupin ang coffee na bigay nya. "Thanks for your advice.. and!.. for the coffee." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sakanya.

"You're welcome! Galingan mo sa seminar at sa darating na election, okay? Naniniwala ako sayo and don't forget to have fun!" Sabi nito sabay touch sa ilong ko, nagpaalam na sya at hinalikan pa ang pisngi ko.

She checked on bunso at papa before going away.

Darating na daw si Agnes maya maya lang.

Kumain na ako ng marami, I need to  be prepared; dahil war ang pupuntahan ko.

Pagkatapos kong maligo ay ilang saglit lang may kumatok na sa pintuan namin, baka si Agnes na yun.

"Goodmorning. Ikaw ba yung anak ni Dinah? Ako yung physical therapist ng daddy mo." Pagpapakilala nito sa sarili nya pagkatapos kong buksan ang pinto.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon