Chapter 16: Misled

6.6K 292 26
                                    

Diana's POV

"Good Afternoon, Arsenic!" Agad na bati saamin ni Mrs Lyndon pagkapasok nya sa loob ng aming classroom.

Binati din namin sya at naupo na saaming mga kanya-kanyang puwesto.

Lumingon ako sa katabing upuan ko, wala parin si Arty. Pinuntahan ko sya kahapon sa bahay nya at pinagdala ko sya ng prutas; gustuhin man nya ay hindi pa nito kayang pumasok ng school.

Kaya ako munang mag-isa.

..
Nag-umpisa na si Mrs Lyndon sa pagse-setup ng kanyang laptop sa aming projector, "Get your social studies notebook and jot this down."

Sumunod naman kaming lahat; agad kong kinalkal ang shoulder bag ko at kinuha ang aking notebook. Habang ginagawa iyon ay may malambot na tela ang sumagi sa mga kamay ko.

Ito yung panyo na bigay ng mysterious girl sa library kahapon.

N.. letter N.

Mabilis akong nag-angat ng ulo at tumingin sa kinauupuan ni Nephra..

Katabi nya sina Aimee at Rizza; bumubulong si Aimee kay Rizza habang kinukuha nya ang kanyang notebook, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila.

Si Nephra naman ay tahimik lang na nagsusulat habang naka-salung baba ito; wala kang makikitang emotion sa mukha nya.

Nagulat ako ng biglang tumingin ito saakin, napansin siguro nyang may nakatingin sakanya.. iiwasan ko sana ang mga mata nya pero hindi ko yun magawa; para itong magnet.

Pareho kaming nakaupo malapit sa harapang bahagi ng classroom, kahit na may isang row pa sa gitna namin ay kitang kita ko parin sya kung saan ako nakaupo.

We locked eyes for a moment.

It was a brief moment dahil agad din itong umiwas ng tingin.

I felt a sudden pain nung ginawa nya yon; the kind of pain that makes it hard for you to breathe.

Balik na sya sa dati, ini-ignore na ulit nya ako. Hind ba't dapat matuwa ako?? Pero hindi yun ang nararamdaman ko ngayon.

Ugh.. bahala ka, Nephra! Kung yan ang gusto mo.. magpatuloy ka sa buhay mo at magpapatuloy din ako sa buhay ko!

Nagsimula narin akong magsulat sa aking notebook.. pilit na tinataboy ang mga suwail na damdamin.
.
.
.
.

After a few minutes..

"Before we end today's class.. Sasabihin ko muna sainyo kung sino ang mga kagrupo ninyo sa gagawin nating debate this grading period." Bumalik ang atensyon naming lahat kay Mrs Lyndon.

Heto na pala yung tinutukoy ni Ma'am na debate.

Nagtinginan na ang mga kaklase ko, umaasa silang magiging kagrupo nila ang mga kaibigan nila.

Sana pareho kami ng group ni Arty.

Two teams are presented with a resolution.

Team A has 11 team members..

..at ang Team B naman ay 12; since 23 kami sa section namin.

"Our debate subjects will be about...." Mrs Lyndon paused.

Suspense na ang lahat, ganoon din ako. Wala kaming idea kung anong topic ang ibibigay ni Ma'am.

"... Live-in relationships vs Marriage!" Sawakas ay sinabi din ni Mrs Lyndon.

Everyone gasped.

Napangiti ako.. atleast maganda ang napili ni Ma'am na topic para sa section namin.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon