Diana's POV
"Tutuloy ka parin, Dee?" Hindi ko matignan si Arty dahil abala ako sa pag-aayos ng bag ko.
Nagmamadali ako dahil sabi ni Buck ay magkikita daw kami sa mismong venue ng car show. Kailangan mas maaga daw ang punta ng mga models doon dahil aayusan pa kami.
"Baka naman.. baka naman may ibang paraan pa?"
Tumigil ako sa ginagawa ko at humarap sakanya, "Kailangan kong gawin 'to, Art. Wala na akong maisip pang ibang paraan para matulungan ko si papa; para masagip ang buhay nya." Mas buo na ang loob ko ngayon.. itinigil ko ang pag-iyak ko at bumuo ng desisyon.
Yun ang tanggapin ang alok na trabaho ni Buck saakin.
"Nagpaalam kana ba kay tita?! Pinayagan kabang gawin mo 'to??" Pangungulit parin nito saakin.
Hindi ako sumagot, dahil hindi ko naman sinabi ang buong katotohanan kay mama, dahil alam kong hindi nya ako papayagan..
"Dee!!!" Sigaw ni Arty.
"Buo na ang loob ko, Art.. gagawin ko ito, okay? Pupunta ako doon at magtatrabaho!"
"Puwes, sasama ako sayo!" Kinuha nito ang sapatos nya at dalian nya itong isinuot; handa ng sumama sakin.
"Hindi puwede, Art.. hindi ka rin nila papapasukin. Exclusive ang event na 'yon.. kung wala kang invitation, hindi ka pwedeng pumasok." Pinaliwanag ito saakin ni Buck nung tawagan ko sya sa telepono para sabihin sakanyang pumapayag na ako sa offer nya.
Lalong nainis si Arty sa sinabi kong iyon sakanya, "Ano?!! Pe-pero.. paano kung mapahamak ka dun?!! Paano kung.. paano kung may salbaheng lumapit sayo?! Dee!! Maraming pwedeng mangyari sayo! Hindi natin alam kung dapat ba nating pagkatiwalaan yang Buck nayan!!"
Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi neto at iniharap saakin.. para akong isang nanay na kinakalma ang nagta-tantrum nitong anak.
Natigilan sya ng gawin ko iyon, "Art.. magtiwala ka saakin. Hindi ko hahayaang mapahamak ako o may mangyari sakin! Kailangan kong makabalik para sa pamilya ko.. para sayo! Lalong lalo na para kay papa. Hindi mo na kailangan pang mag-alala sakin.. I got this."
Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Arty, nawala na ang kaninang nakalitaw na kulubot sa noo nito..
Huminga sya ng malalim bago nagsalita, "Grabe.. ikaw ba talaga yan? Ang bespren ko?? Ngayon lang kita nakitang ganito katapang ah.."
Kumurap pa ito ng mabilis na parang hindi makapaniwala.
Napangiti ako sa komento nya.
"Sabi ni mama, ganyan lang talaga ang buhay.. sasaya, lulungkot, tatawa ulit. Maghihirap, gagaan. Magkakasakit, gagaling.. pero kailangan ay lumaban lang tayo sa mga bagong araw na darating." Halos maluha ako sa emosyon na nararamdaman ko.
Pero hindi ako nagpadaig sa lungkot.
Kailangan kong maging matapang!
"Tama yun, Dee! Atsaka nandito lang ako, para sayo!" Sabay yakap sakin.
Ito ang dahilan kung bakit madalas kaming pagkamalang magkarelasyon ni Arty.. masyado kasi kaming close nito sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
(GxG) Let somebody love you 2019
Romance**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng bagay lagi sila ang magkalaban? *** Matalino si Nephra. It runs in their family. Kung kaya nama't gina...