Chapter 45: King and Queen

7.4K 246 112
                                    

Nephra's POV

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Diana. Akala ko bukas pa ang balik nya dito. Kaya naman laking gulat ko nung makita ko siyang kausap ni Mark.

"Mark, I'm asking you a question." Umiiral na naman ang pagiging protective ko. Ayoko kasing nakikitang nasasaktan si Diana. At sa puntong ito, alam kong may nanakit sakanya. The pain and shock was written all over her face. Ayokong manisi pero si Mark ang nakita kong kasama nya. Kilala ko na si Diana.. she is too sensitive for this world. Pero yung sensitivity nyang yon, is what makes her unique. That's what makes her heart beautiful. Yun ang minahal at patuloy na minamahal ko sakanya.

"We were j-just talking, Neph! Napasarap kasi yung kwentuhan namin habang hinihintay ka.. right Diana?" There was a catch in his voice, like a flinch.. or maybe a restrained anger. I can't quite tell, he had mastered the art of maintaining a poker face.

Pinilit ni Mark na ngumiti sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung bakit ganito kabigat ang aura sakanilang dalawa. Something definitely happened in here.

"Diana?.. is that true?" Pabulong kong tanong kay Diana na putlang-putla parin. I don't trust Mark or his friends. Sa una palang mabigat na ang loob ko sakanilang lahat. You know?.. when you feel it in your gut that something is not right? You just feel it.

Nag-angat ng tingin saakin si Diana. Her eyes watery.. halos manginig yung ibabang labi nya dahil sa suppressed cry. She was like a lost puppy. Who hurt her like this?!

"Shh.." Bulong ko ulit sakanya habang pinupunasan ang mga namuo nyang luha. "I'm here with you." I fear that if I asked her one more time, she will shatter or burst into tears. Kaya hindi na ako nangulit pa.

Mark was watching us the whole time. I couldn't care less. He can't be reasoned with, pagod na akong maging polite sakanya. Mas nangingibabaw ang concerned ko para kay Diana kesa sa mararamdaman niya.

Nasa ganoon kaming tagpo ng biglang mag beep ang mga tracking devices nila. Hindi ko sinuot yung akin.

"We have to go back.. i-a-announce na daw yung king and queen." Sabi ni Mark habang pinipindot ang tracking device sa pulso nya. Seriously? Akala ba nya kasama namin siya? I just wish he would disappear already!

"Peer-Buddies!! Kanina pa namin kayo hinihintay. Anong ginagawa ninyo dito?.. Hindi porket party lang ito ay may karapatan na kayong mag-stroll at hindi maging present. Baka nakakalimutan ninyong activity parin ito?" Masungit na sermon saamin ni Mr Farreira na naging dahilan ng mabilisan naming pag-marcha pabalik sa lake.

..

"Okay, everybody. The votes are in! May nanalo na.. It's time to announce our queen!" Sabi ni Ms Maya. Hawak na ni Mr Farreira yung crown na gawa ata sa maliliit na sanga ng puno at mga bulaklak.

Nagpalakpakan ang lahat nung sabihin yon ni Ms Maya. Lahat ay nakatingin sa entablado. Even Diana, she's beside me.. silent. Panaka-naka parin ang sulyap ko sakanya, just making sure that she's no longer upset.

As for Mark? Hindi ko na inalam pa kung saan sya pumwesto. Siguro bumalik siya kasama ang mga kaibigan nya. Again, I don't really care.

All I care about is Diana.

Parang gustong tumalon ng puso ko sa tuwa. Sobrang saya ko na nakabalik na sya.. just the mere presence of her makes me so happy.

Kahit may konting pag-aalinlangan ay dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa kamay ni Diana, I moved only half an inch but enough to feel her skin. Agad naman itong napatingin saakin nung madampihan ko ito. Natigilan yung kamay ko ng ilang segundo sa paglapit, I was apprehensive yet unafraid.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon