Chapter 14: Stake your claim

6.7K 243 21
                                    

Diana's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa school ng wala si Arty.

It turns out this wasn't a good day after all, napagtripan na naman ako ni Nephra at nung kaibigan nyang si Aimee kanina sa PE, kakabalik lang nya ng school sinimulan na nya agad.

Sobrang concerned pa naman ako sakanya! Hindi ako makatulog sa kakaisip kung okay lang ba sya?! Sinisisi ko yung sarili ko sa nangyari tapos ganun lang ang gagawin nya?? I thought we had a moment.. akala ko, magiging okay na kami.

Yun pala nananaginip lang ako ng gising! Imposibleng mangyari yun..

..
Alam kong hindi maganda na palagi akong nakadepende kay Arty pero yun ang totoo; hindi naman marami ang mga kaibigan ko.. actually si Arty lang talaga.

Nagkaron din naman ako ng matalik na kaibagan noong nasa elementary pa ako maliban kay Arty, kaso nung mag-graduate na kami nagtransfer sya at hindi kona sya nakita.. si Arty lang talaga ang nag-stay simula nung childhood ko.

Ang iba ay mga school colleagues ko nalang..

Heto marahil ang dahilan kung bakit tinawag nila akong nerd sa campus; puro lang daw kasi ako studies, walang oras sa social life.

Hindi kona yun gaanong pinapansin dahil para sakin may mga mas importanteng bagay sa mundo na dapat problemahin.

Kaya ayun, sa tinagal tagal ng panahon ng pag-iisa ko, nasanay na ako.. hanggang makarating ako sa senior year, hindi na ako nag abala pang makipagkaibigan.

Sapat na si Arty saakin.

It's the quality of friends not the quantity, sabi nga nila. Siguro ay pinanghawakan ko rin iyon sa matagal na panahon, kaya hindi dumami ang mga kaibigan ko.

....

Agad akong pumunta ng library pagkatapos kumain, I spend most of my time sa loob ng aming library lalo na kung mag-isa ako; ito ang heaven para saakin. Tuwing makakapasok ako dito ay para akong bata sa loob ng isang candy store, hindi alam kung anong pipiliin.

Bukod sa kumpleto ang mga libro dito ay pwede ko rin basahin ang mga libro na hindi ko kayang bilhin.

Isa sa mga paborito ko ang magbasa tungkol sa mga halaman.. mahilig talaga ako sa mga halaman. Kaya naman lahat ata ng librong pwede kong mabasa na tungkol sa mga halaman ay nabasa ko na..

The Red Tree by Shaun Tan ang kasalukuyang hawak ko ngayon. Hindi ito ang usual genre na nababasa ko.. Isa itong illustrated book at nakalagay sa children's book shelve, pero wala akong pakialam kung pangbata man ito o pangmatanda..

Mukhang maganda ito kaya kinuha ko yun agad at hindi nga ako nagkamali!

...mahirap mang gawin ay pilit kong tinataboy si Nephra sa isip ko; lately sya palagi ang laman ng isipan ko..

Kaya ginawa ko ang lahat para makapagfocus sa librong hawak ko.

....
Pinahid ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko, hindi ko akalain na sobrang emotional pala ng librong 'to.

Grabe, sobrang tinamaan ako.. Kung may makakita man saakin ay siguradong iisipin nila na may malala akong problema.

Tinanggal ko muna yung salamin ko para punasan yon, kanina pa kasi blurry yung nakikita ko dahil sa pag-iyak.

Halaaa! Nawawala ata yung panyo ko? Nasaan naba yun?! Hindi ko mahanap sa bag ko o sa bulsa ko..

Paano ko pupunasan 'to?!

Habang hinahalukat ang bag ko; I felt a strong presence behind me, agad akong napalingon para makita kung sino ba 'tong gumagambala sa pag-eemote ko.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon