Diana's POV
"Aray! Dahan-dahan naman, Dee!" Napasigaw si Arty habang nilalagyan ko ng betadine ang nasugat nitong labi.
Naiinis akong lalong diniinan pa ito, napangiwi sya sa sakit. "Aray naman! Mas masakit pa ang pang-gagamot mo kesa sa suntok nung kaibigan ni Nephra!"
"Ikaw naman kasi! Kailan kapa naging basagulero?!"
Tumingin si Arty sakin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Siya yung nauna!"
"Bakit kasi pinatulan mo pa??" Inilapag ko ang mga bulak at betadine sa lamesa pagkatapos gamitin ang mga ito, nilalagyan ko na ngayon ng oitment ang nabasag nitong labi.
"Nadala na ako eh.. hindi mo naman ako katulad na mahaba ang pasensya." He complained.
"Kahit na palagi kang sinasaktan ni Nephra, pilit ka paring umaasa na magiging okay ang trato nya sayo.." tumalikod ako ng marinig kong sinabi iyon ni Arty..
Kunwari ay busy ako sa pagtapon ng mga pinag-gamitan naming bulak..
Pero ang totoo ay iniisip ko ang mga sinasabi ni Art tungkol kay Nephra.
"Ayoko nga dapat pumunta sa party nayun noh! Pinilit mo pa kasi ako.." naghihimutok nitong sabi.
Hinarap ko sya at sinabing, "Nakakahiya naman kasi kay Rizza.. ayokong isipin nya na snob tayo, ang bait pamandin nung tao satin."
"Okay I understand.. pero bakit ba kasi kasama mo si Nephra kanina?? Ilang linggo na akong naguguluhan sainyong dalawa!"
Naupo ako sa sofa na nasa harap ni Arty. Paano ko ba i-eexplain sakanya na gusto kong magkaayos kami ni Nephra??
Pagod na akong makipag-away at makipag-kompetensiya sakanya.
...Flashback:
Earlier at the party.."Grabe ang laking bahay naman neto!" Nakatingalang sabi ni Arty habang naglalakad kami papuntang pool.
"Oo nga, Art.. grabe noh?"
"Mas malaki ba 'to sa bahay nila Nephra?" Curious nyang tanong saakin.
"Actually.. mas malaki parin ang bahay nila Nephra."
"Talaga?! Ibig sabihin mansion talaga yun kung ganoon!"
Tumango tango lang ako habang iniisip kung nandito din kaya si Nephra?
Siyempre victory celebration party nga 'to para sakanya! Malamang ay nandito sya..
Naramdaman kong uminit ang tiyan ko nung maisip kong nandito si Nephra.
"Huwag kang mag-alala, hindi kana nun pinapansin. She barely acknowledge your presence anymore, hindi mo na kailangan kabahan pa.." pakikipagtalo ko sa sarili ko.
..
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating din kami sa infinity pool.. napakalaki nito pati narin ang pool deck.
May bar at samut-saring pagkain at inumin. May mga nakasabit na banderitas at isang tarp na naka-konekta sa isang projector..
BINABASA MO ANG
(GxG) Let somebody love you 2019
Romance**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng bagay lagi sila ang magkalaban? *** Matalino si Nephra. It runs in their family. Kung kaya nama't gina...