CHAPTER 4.

3.1K 58 0
                                    

[Chapter 4]

LIAN POVS

Ma aga akong nagising, 5 am palang ay nagising na ako, naisipan kong mag luto ng Almusal namin.

"Oh anak Good morning, Ang aga mo?" Bungad sakin ni mama ngumiti naman ako sakanya at yumakap.

"Good morning din po, sinadya ko po unang araw po kasi e." Inayos ko na ang niluto kong egg, bacon, hotdog at fried rice.

"Mama, kain napo tayo" tumango naman si mama at tahimik kaming kumakain, alam kong iniisip parin ni mama ang nangayri kahapon.

"Anak, Sorry ha, tinago ko sayo ang totoo" Malungkot na saad nito habang nakatingin sa pagkain niya.

"Nako wala yun mama, at isa pa kayo ang pamilya ko okay, dont mind it ayos lang po ako" Tinapos ko ang kinakain ko at nag madali ng maligo dahil baka biglang dumating si Isay, at ayoko nadin pag usapan pa ang nangayri kahapon dahil nag babago lang ang mood ko.

nang matapos na ako mag ayos, maigi kong tinignan ang sarili ko sa salamin, medyo okay naman sakin ang uniform ko not totally fitted sakto lang sa katawan ko.

"Anak, nasa labas na si Isay" Sigaw ni mama mula sa labas ng pinto ng kwarto ko, lumabas na ako at humalik na kay mama.

bakas sa mga mata ni mama ang tuwa na makita akong naka uniporme

"Alis napo ako mama"saad ko palabas, nakita ko naman si papa na nasa garden, nag babasa ito dyaryo, hindi naman ako nilingon nito kaya hindi ko nadin siya pinansin. Ganiyan yan sa akin, mistulang hindi ako nakikita at nasanay na ako doon.

"Tagal mo besh, let's go" pina-andar na ni Isay ang kotse nito ng Mabilis, at hindi na ako kumibo pa

PU

"Welcome backkkk to our school paloma university!" sigaw ni Isay, pag apak namin sa main gate.

Ma ayos kaming pumasok, wala pading pagbabago ang school, maganda padin talaga, Sa main gate may makikita kang tarpolin, ang mapa ng school masyado nga talagang malaki ang PU

section 1-A kami ni isay, mag ka klase parin kami, fourth year highschool na kaming dalawa at graduating na

lumipas ang oras ay lunch time na, walang masyadong ginawa dahil puros pagpapakilala lang naman ang ginawa, dumeretso na kami ni Isay sa cafeteria.

"Anong order mo beshi?" tanong ni Isay ng maka upo na kami sa table,

"Nag titipid ako, kaya isang ensaymada at Juice lang ang akin." Saad ko at tina-asan naman ako ng kilay ng babaeng to, problema nito tss

"Tsk, ang tipid mo talaga, libre ko na sige" Saad ni Isay

Tumango naman ako at umupo na, siya na ang nag prisintang umorder ng naka alis na ito, nilabas ko naman ang cellphone ko, naisip kong mag picture, this is my first day remembrance lang.

Habang kumukuha ako ng picture, nagulat ako ng marinig ko ang sigawan at tilian ng mga studyante lalo na ang mga babae.

Tsssk sakit sa tenga

"Sila na ba yan? oh my gosh girl handsome padin sila lalo na si Shawn"

"I think im going to Die mygosh"

"Ang cute ni shawn huhu"

"Si Troy ang kalmado at gwapo napaka serious face niya but I like it"

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon