Chapter 31.

2.1K 62 0
                                    

[Chapter 31]

Mia Elivis POVs

Pagka bukas ko ng pinto, ay tumambad sakin ang Mukha ni Papa. May bitbit itong isang basket na prutas

"P-Pa?" Tanging nasabi ko, Habang siya naman ay Lumapit sakin at yumakap. Alam kong ayos na sila ni mama, Alam ko ding lilipat na kami ulit sa bahay. Noong una ayaw ko talaga pero nung magmaka awa si mama sakin ay pumayag na ako. Hindi ko alam pero masama padin ang loob ko kay papa ganon din si Sam.

"Anak binibisita ko si Lian" Saad niya, napatango naman ako at pinapasok siya.
Pagpasok niya ay Nagulat pa si mama, pero di nag tagal ay Sumilay ang ngiti ni mama.
batid kong mahal pa ni Mama si papa, Naiinis ako dahil baka maulit ulit ang ginawa niya.

Kapag ginawa niya ulit yon, hindi na ako papayag na babalik siya. Kaya naman ngayon ay dapat sulitin na niya ang dalawang pagkakataong makasama niya kami. Dahil kung uulitin niya pa iyon Wala na siyang mukhang mahaharap samin.

"Halika ka, Trina? Ito si Roger asawa ko. Ger eto naman si Trina Mommy ni lian" Pagpapakilala ni Mama, Nag bow naman si Papa at nakipag  kamay kay tita Trina. Hindi ko maiwasan bantayan ang kilos ni papa, Ewan ba parang anytime magloloko nanaman ito.

"Kamusta ang lagay ni lian?" Pagtatanong niya, lumapit ito kay Lian dahilan para magising si Lian.

"Okay na siya, nagpapalakas nalang" Sagot naman ni Mama.

"P-Pa?" Sambit ni Lian, naiiyak napa tango si papa. Hinawakan nito ang ang Buhok ni lian at umiyak.

"P-Patawarin moko nak" Ani nito habang hinahaplos ang buhok ni Lian.

"Kalimutan nanatin yon pa, Mahalaga sana wag niyo na ulit sasaktan si mama."

"Pangako hinding-hindi na nak" Talagang hindi na pwede hindi ako papayag.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"Pagtatanong ni Papa kay lian, Ngumiti naman ng bahagya si Lian at Dahan dahang umupo sa Bed niya.

"Okay na pa, Mukhang pwede nanga ako umuwi e haha"

"Eh kailan ba ito makakauwi Lea?"Pagtatanong ni papa.

"May isa pa siyang iinuming gamot bukas ng umaga. baka after non makakauwi na siya" Sagot ni Liam, Napa tango naman kami at Pinanuod silang dalawa na nag uusap.

Naisipan ko namang pag balatan ng Mansanas si Lian, para mas maging malakas pa siya.

ng matapos ko itong balatan ay, staka palang sila natapos mag kwentuhan ni papa.

"Heto kainin mo Lian, para mas lumakas ka"

"Salamat ate" Ani niya, Ginulo ko naman ang buhok niya at ngumiti. namiss ko masyado itong kapatid ko.

"Sya, mauna nako sa bahay nak. magpagaling kapa ha? Satingin ko mauna na ako. walang tatao sa bahay ngayon" Ani ni Papa, Napatango naman si mama at Tita trina. Nag pa alam na ito at umalis. 7pm na kase kaya kailangang makauwi na ang iilan dito. limitado lang ang Visitors.

"Mom? I'll go ahead, Lian baby? Magpagaling ka okay? Aalis muna si Kuya I love you" Saad ni Liam, hinalikan nito ang noo ni lian at nag pa alam na.

"Ingat kuya" Saad ni lian.

"Sam? Aizen Lets go Uwi na tayo, Bawal tayo mag stay dito" Saad ko, Busy padin sila sa kakapanuod ng Cartoons.

"Noona, I can Sleep here" Reklamo ni Aizen, Napangiwi naman ako. Ang kulit ng batang to tsk.

"Hindi pwede, Kailangan nating umuwi pupunta naman tayo dito bukas"

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon