[Chapter 49]
LIAN AIZEL POV
Pag dating ko sa lobby, ay siyang pag tunog ng Cellphone ko.
Daddy's calling...
"Hello baby?" Bungad agad ni Daddy.
"Hello Dad" Saad ko naman habang tumitingin sa paligid.
"We're planning to go there tomorrow, then on friday sabay sabay na tayong uuwi pabalik dito okay sweetie?" saad ni Dad, tumango naman ako.
"Okay po" saad ko.
"Then tungkol sa case mo anak, don't worry we already know them."
"Pwede po bang malaman Dad?" Saad ko, narinig ko pa ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya, kinabahan tuloy ako.
"Mas magandang dyan nalang namin sasabihin sayo anak, by the way what's going on there? how's batanes anak?" masayang tanong ni Daddy, ngumiti naman ako at umupo sandali sa couch dito sa loob ng lobby.
"Okay naman po, masaya at masyadong maganda dito sa resort ni Halmoni." Saad ko.
"Are you with Shawn?" Tanong ni Daddy, bumuntong hininga ako. "Yes Dad, by the way Dad see you when you get here I have to go" saad ko at ibinaba na ang linya.
Nag lakad na ako at nilibot ang paningin, hindi ko makita si din, saan kaya nag punta yon sana lang hindi masisira ang plano ko mamaya.
Hinawakan ko ang tyan ko ng maramdaman ko ang gutom, hindi pa pala ako kumakain at mas kailangan kong hanapin si ding, nag patuloy ako sa pag lalakad ng batiin ako ng mga tao, nginitian ko naman sila at nag patuloy sa pag lalakad.
sumakay ako ng elevator at mabilis na pumasok sa suit namin, binuksan ko agad ang kwarto ni ding. Nanghina ako ng makita kong wala ito dito, pinagmasdan ko ang mga pagkain na pina handa ko at nalulumong isinara ang pinto.
bakit sya ganito? sumobra naba ako?
Mabilis kong naisip ang cellphone ko kaya't mabilis kong tinawagan ng number niya.
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try call later... TOOT.."
Nakapatay ang cellphone niya, nasaan naba sya? tsk! hindi ko gusto ang inaakto nya naiirita ako!
mabilis akong tumakbo at lumapit sa receptionist. "Nakita niyo ba si Shawn lim? ang kasama namin?" Mabilis na tanong ko sa receptionista.
"Ah yes Miss Lian, nakita ko siyang lumabas ng hotel" Aniya, tumango naman ako at mabilis na lumabas ng hotel, nag lakad lakad ako at hinanap si ding, pero hindi ko siya mahanap, binilisan ko ang lakad ko at luminga-linga hindi ko na pinansin ang gutom ko basta mahanap ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, unang una dapat ako ang sinusuyo niya pero eto, ako ang nag hahanap sakaniya. Hinawakan ko ang noo ko at huminto saglit, tinignan ko ang bawat lalake na nakikita ko at ganon nalang ako manlumo ng hindi si ding ito.
Ding?...
Tanaw na tanaw ko mula sa malayo si ding, naka upo sa dalampasigan at naka tanaw sa malayo. Habang may kasama itong babae at tila masaya silang nag uusap.
mabilis sumikip ang dibdib ko, at kusang umurong ang mga paa ko, tanaw na tanaw ko ang gilid ng mukha ni ding habang naka ngiti ito sa malayo at may tinuturo. Kung ibang tao lang siguro ako pagkakamalan kong magka relasyon silang dalawa, sobrang romantic ng lagay nila at tila nakakahiyang sirain ang moment nila.
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer S1
Подростковая литература"Do you know that I love watching you from afar?" - LS This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination and are not to be construed as real. Any resemblance to actual persons, living...