CHAPTER 33.

2K 60 3
                                    

AUTHOR'S NOTE :

Ayoko ng ulitin pa, kaya sana kayo na ang bahalang umintindi. Wala akong balak na sundin ang gusto mo, dahil ang gusto ko padin ang masusunod.

mag aupdate ako at hindi mo na ako kailangan pang utusan at madaliin.

Dapat chill lang tayo sis d^_^b

Nababasa ko lahat ng Comments niyo

[Chapter 33]

Lian Aizel POVs

Agad kong pinaliparan ng Suntok si Shawn. Pagka pasok palang kasi namin sa Loob ng canteen ay Hindi na nag si tigil ang mga studyante sa pag sasalita tungkol sakin. Ewan ko pero umiinit talaga ang Ulo ko sa tuwing naririnig ko mula sakanila na Malandi daw ako. Alam ko namang hindi iyon totoo pero masakit padin sa tenga, Kaya naman agad kong Pinakita sakanila na sinuntok ko si Shawn Halos hindi sila makapaniwala, na ginawa ko yun sa Prince charming nila. Ngayon sabihin niyong Malandi ako at dumidikit ako sa Kumag nato

Matalim kong tinignan ang kaibigan ko, na ngayon ay naka upo sa Table nila Shawn. Oo alam kong may utang na loob ako sakaniya Pero hindi ko sinabing umakto siya ng ganito. Baka kasi masinterpret ko at ako ang mag mukhang ewan sa dulo.

"Arayy Bakit mo ako sinuntok?" Tanong niya, Munit hindi ko na ito pinansin at nag lakad na sa gawi nila Isay. Pagbibigyan ko ang gusto niyang Isang linggong Lunch, Pero pagkatapos nito gusto kong tantanan na niya ako.

Tahimik akong Umupo sa tabi ni Isay Gulat itong tumingin sakin pero Siniringan ko lamang siya ng tingin.

"Oh akala ko ba busog ka?" Tanong ni Isay, Nginiwian ko lamang siya at tinignan ang relos ko.

"B-Bakit diyan ka?" Tanong ni Shawn sakin, Hindi ko maintindihan ang inaakto niya. Ano bang meron ngayon at biglang naging ganyan na sya. Mas okay pa sakin ang magka away kami kaysa ganito, Hindi ako sanay sa bawat kilos niya magmula pa kaninang umaga.

"Ano bang mali dre kung dito sya?"Ani Yuan, pinang gigitaan kasi nila ako ni Isay habang katabi naman ni Marky si Shawn.

"Oo nga, Staka bawal mag tabi ang Aso at pusa Baka biglang Masira ang Lunch" Kumento naman ni isay, Habang si marky ay Tawa lang ng tawa. Habang ako ay hindi makapakali dahil kakaiba ang bawat tingin sakin ni ding, Kaharap ko lamang siya habang naka tingin sakin Iyong tingin na para bang Nakikiusap.

"Eto na ang order Wag na kayo mag away Let's eat" Ani Marky, Isa isa ko namang tinignan ang waiter kung paano niya ilapag sa harap namin ang mga pagkain. Dahan dahan niyang nilalapag ang bawat plato na may lamang iba't ibang ulam.

"Waoo ang dami naman nito Hahahah Mabubusog ako nito" Masayang saad ni Isay, tawa tawa namang tinignan ni marky si Isay. base sa kilos ni marky ay may kakaibang mali sakanya iyong parang may gusto siya sa kaibigan ko

Lumipas ang oras ay, Nakakalahati ko na ang pagkain ko. Hindi naman matapos tapos ang Kwentuhan nila habang ako ay Tahimik lang na nakikig sakanila.

"Ay Shala! Hindi nang aaya ang mga ate" Biglang saan ng pamilyar na tono, Tinignan ko kung sino ito, si Baggy lang naman pala at Astianti.

"Uy, Wanna join?" Masayang saad ni Yuan sakanila, Tumango naman ng ilang ulit si Baggy at Hinawakan ang tyan niya. nagmadali silang humila ng upuan at itinabi iyon kay ding, Base sa hitchura ni ding ay Ayaw niyang katabi si baggy at halatang napansin agad yun ni baggy kaya pinaupo na niya si Astianti sa Tabi ni Shawn.

"Bakit ngayon lang kayo? hindi namin kayo nakita kaninang labasan" Tanong ni Isay, tama siya dahil maski ako ay hindi sila napansin.

"Pano te, ang mga mabuti nating guro ay walang tigil ako pinatawag" Ani naman ni Baggy, siya ang class president namin kaya naman hindi na ako nag tataka kung lagi itong Pinapatawag o utusan ng adviser namin. si Astianti naman ang Vice president kaya lagi sila mag kasama. lagi silang may trabaho bilang Obligasyon nila.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon