CHAPTER 39.

2.4K 75 25
                                    

[Chapter 39]

SHAWN LIM POV

Tingin sa kanan...

Tingin sa kaliwa...

Haahahhaahhahahahahah!! ang gwapoo gwapoo kooo!!

Agad kong tinignan ang salamin ko at hinawakan ang baba (Chin) ko, at iniisip ang mga gagawin kong hints mamaya.

"Walang kupas ang gwapoo ko pa din Hahahahhahahaha!!" Ngiting saad ko at nag tungo na sa cr, mabilis akong naligo at nag bihis na, inayos ko ng mabuti ang buhok ko, pati nadin ang uniform ko, gusto kong gwapo ako sa paningin ni tom mamaya, at sa sobrang gwapo ko, ay hindi niya maalis-alis sakin ang paningin niya dahil nga sobrang gwapo ko at may gwapo siyang manliligaw hahahah tsk

Pinaliguan ko ng pabango ang sarili ko at kumindat pa sa salamin. Itong araw nato ay para lamang sakin at sayo mahal ko

Masaya akong kinuha ang bag ko at lumabas na, halos lumubog ang mga mata ko sa ngiti habang bumababa sa hagdan, ng matanaw ko na ang kusina ngiti ngiti akong pumasok don.

"Good morning everyoneeee!" Sigaw ko at lumapit kay Mommy, hinalikan ko ito sa pisngi.

"Good morning baby hihi" Kilig na saad ni Mommy, nginitian ko naman ito.

"Good morning dongsaeng you look so happy what's up with you?" Ani ni Noona, hindi ko na ito pinansin at bumaling kay manang.

"I'm just happy Noona wag mo sisirain ha?"Ngiting saad ko kay Noona, bumaling naman ako kay  manang.

"Good morning manang ang ganda ganda mo talaga" Saad ko at tuluyan ng naka upo, nang mapansin kong wala si tomboy ko.

Ha? bakit hindi ko napansing wala pa ang babae ko sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napansing wala pala sya.

"Ikaw talagang bata ka, ano bang nangyayari dyan sa buhay mo at nitong mga nakaraang araw ay ganyan kana ka wirdo ha Sawnlim?" Pagtatanong ni manang, agad naman akong tumayo at mabilis na umakyat sa hagdan, hindi paba sya bumababa? baka naman tulog pa?

Hahahahhah ang babae ko napuyat ko siguro hahahahah!!

Mabilis akong tumakbo pa akyat at pumasok sa guess room, laking gulat kong malinis na ito at walang bakas na tom, mabilis kong binuksan ang cr pero wala ito, ganon din ang walk in closet, bagsak balikat akong umupo sa kama at pinagmasdan ang pinaghigaan niya, maayos na ang pagkaka tiklop nito.

Madali akong lumabas at tumakbo sa kusina, hapos na hapos ako ng maka lapit ako kila mommy na kasalukuyang mag uusap pero bigla nila itong tinigil ng dumating ako.

"Mommy, nasaan si tom?" Saad ko, bakas sa mukha nila ang pag pigil ng tawa.

"What?? noona nasaan siya?!" Asik ko kay noona.

"Umalis na, ma agang umalis" Saad niya, agad kong kinuha ang bag ko at pumihit na palabas.

"Hey baby aren't you going to eat? kumain ka muna." Sigaw ni Mommy.

"Sa school napo ako kakain mom, Pasok napo ako"  Sigaw ko pabalik at mabilis na nilabas ang kotse ko, anong pumasok sa kokote non at umalis ng ma aga? bakit hindi niya ako hinintay!?

Nalulungkot nanaman ang puso ko, iniexpect ko ay makikita at makakasabay ko sya sa pag pasok sa PU, nang mailabas ko na ang kotse ko mabilis ko itong pina andar papuntang PU.

mabuti't malinis ang daan kaya swabe ang drive ko, mabilis kong natanaw ang PU at pumasok sa parking lot, agad kong pinark ang kotse ko at nagmamadaling lumabas, agad akong pumasok sa PU at hindi pinansin ang mga studyante na nagtitinginan sakin, ng makapunta na ako sa hallway ay binagalan ko na ang lakad ko, agad kong napansin ang mga studyante na nag kukumpulan pero hindi ko na iyon pinansin at tuluyan ng umakyat sa room nila tom.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon