[Chapter 22]
LIAN AIZEL POV
*Kringgg! Kringgg!
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, kaya naman inis kong pinatay iyon na malapit sa kama ko, pakiramdam ko kulang na kulang ang tulog ko Aisshh!
mabilis akong bumangon at isa-isang inayos ang higaan at nag tungo na ako sa cr para maligo.
ano bang araw ngayon?
byernes nga pala ngayon, hays tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa cr, pakiramdam ko pagod na pagod ang mata ko gusto ko pang matulog pero hindi pwede dahil siguradong ipopost na ngayon sa bulletinboard ang mga scores sa exam kahapon, hindi yata ako sigurado kung papasa ako sa dami ba naman ng iniisip ko, tch dagdag mo pa ang kayabangan ni Shawn.
minabilis ko na ang pagliligo at nag ayos, pagbaba ko sa ibaba ay na abutan ko si mama sa kusina, nag aayos ng kakainin
"Good morning mama" Ngiting saad ko sakanya, lumapit ako sakanya at yumakap.
"Good morning, oh bagksak na bagsak ang mga mata mo anak, sige na kumain kana baka malate ka"
"Eh sila ate, at sam po?" Tanong ko ng makaupo na ako, at kumain
"Si ate mo, mamaya pang 8am ang pasok niya, at si sam naman nauna ng pumasok, kaya ikaw dalian mong pumasok at ma aga kang uuwi ha? mamayang pag uwi mo susunduin na tayo dito"
Ngumiti nalang ako at kumain na, hindi pa ako handa sa bagong yugto ng buhay ko, imagine bigla nalang nagbago yung buhay ko, hindi ko akalain na anak pala ako ng isang mayamang pamilya, bakit pakiramdam ko hindi ako masaya? normal ba to? siguro nga nagugulat pa ako sa mga pangyayari
nang matapos na akong kumain tumayo na ako, tinignan ko saglit si mama habang kumakain
Masaya ako dahil ikaw ang naging unang nanay na nakilala ko
Ngumiti ako sakanya at yumakap
"Mama, pasok napo ako I love you ma"
"Nako itong batang to, hahaha sige na magiingat ka I love you"
Kiniss ko na si mama sa pisnge at umalis na
pumara ako ng trycle sa tabe at pina andar na ni manong ang motor, ilang dipa lang naman ang layo nitong village namin sa PU, kaya naman agad ay naka dating na kami.
"Ito po bayad manong, salamat" Kinuha ko na ang bag ko at isabit sa likod ko
habang nag lalakad ako sa hallway, kapansin pansin ang mga studyande na nag sisitinginan sakin, tch hindi naman ako sikat para pag tinginan
binalewala ko nalang sila at dumeretso sa field, kung saan naka sabit ang bulletin board malapit yun sa gymnasium.
malayo palang ako ay pansin ko na ang mga studyante na nag sisi takbuhan papunta sa board
"Kyaaahh! I passed it great jobbb"
"Lets go, lets celebrate Missy"
"I'm going to mall, isusukat ko na yung gown ko for saturday"
"Pare pumasa ako"
"Waaahhhhh I did it"
sarit-saring sigaw ang mga naririnig ko, kaya naman hindi ko mapigilan ang sumingit sakanila para makita ko ang sakin.
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer S1
Teen Fiction"Do you know that I love watching you from afar?" - LS This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination and are not to be construed as real. Any resemblance to actual persons, living...