CHAPTER 44. BATANES

1.9K 68 6
                                    

A/N : Please VOTE  and COMMENT  Harts. Salamat sa patuloy na pag susuporta.

[Chapter 44]




SHAWN LIM POVS


Binagsak ko ang pinto at ngusong Nahiga sa kama ko. Paano ba ako mag eenjoy dito kung ganito lang? Napaka manhid talaga ng babaeng yon! Nakakainis!

Ang Inaasahan ko ay iba sa nangyayari ngayon.

Nag pagulong-gulong ako sa kama at maya-maya pa ay irita akong umupo. Kinamot ko ang buhok ko at tumayo. Naligo ako ulit at nag toothbrush, nag suot lang ako ng Pantulog kong pajamas at Puting sando.

Humarap ako sa salamin at pinag masdan ko ang itsura ko, Gwapo panaman ako ah? ano pang hinahanap niya? ano pang ayaw niya sakin? nakaka lungkot lang dahil minsan sweet siya, tapos minsan hindi.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, at pinihit iyon pabukas. naisipan kong puntahan siya at kausapin.

Agad akong pumasok at, binuksan ang kwarto niya. Executive kase ang suite namin, We have living room connected to one or more bedrooms. and separate living space.

Sinilip ko ang kwarto niya, ngunit hindi ko siya makita. Blanko ang kwarto niya, kaya hindi na ako nag dalawang isip na pasukin. Nag aaalala ako sakaniya dahil hindi padin namin nakakalimutan yung death threat niya, kaya nga dapat anytime naka bantay kami sakaniya.

Pumasok na ako ng tuluyan, at tinignan ang kama niya. kunot ang noo ko ng Mapansin kong nasa Veranda siya, naka tayo ito at naka tingin sa malayo. Hindi na ako nag dalawang isip na Lapitan siya.


dO_____Ob!


Balak ko sana siyang gulatin, pero Ako yata ang nagulat niya. Bigla banaman kasi siyang humarap sakin. kaya naman agad akong napa hawak sa puso ko at lumapit sakaniya.

Ilang minuto itong naka tingin sa View, at hindi nag sasalita. Iniisip ko tuloy kung ano ang iniisip niya, at bakit parang napaka bigat non.

"Iniisip ko kung ano ang nag hihintay sakin bukas"

Biglang saad niya ng hindi tumitingin sakin, kumunot naman ang noo ko at tinignan siya. Ano ba ang sinasabi niya?

"Anong Sinasabi mong nag hihintay sayo?" Tanong ko, naguguluhan kasi ako sa sinasabi niya. pansin ko sakaniya na madami siyang iniisip.

Hindi naman siya ganito noon e, Hindi ko alam kung bakit siya bigla nagka ganito. Parang naging mabigat sakaniya ang pag tira kila Troy, samantalang hindi naman siya nahihirapan don. Hindi na niya kailangang mag trabaho.

"Iniisip ko na baka bukas, bigla nalang may dadamba sakin sa labas. Pinaparamdam nila na nasa panganib talaga ako, Bakit kailangan mag punta tayo dito? hindi ba para protektahan ako? Bakit? ganon naba ako kadelikado?" Aniya, Ngayon alam ko na ang iniisip niya.

Hindi pala sinabi ni Troy ang dahilan, kung bakit bigla kaming pinapunta dito ni Chairman Gonzales. Una nahuli na nila ang Kidnappers ni Lian, pangalawa kinakailangan nilang ilayo si Lian sa San Pablo Laguna. at ilagay muna dito hindi para iwasan ang Kaaway kundi para makalimutan ni tom ang death threat.

Tama nga si Tito Aiden, Iniisip ni Tom ang Death threat niya. kaya mas maganda kung gagawa ako ng paraan para makalimutan niya yon.

"Bakit mo ba iniisip yan? Dinala ka dito ng Lolo mo hindi para Iwasan ka sa panganib, dinala ka nila dito para Makalimutan mo yon. kaya pwede ba tom?— wag mong iisipin yan? andito ako Poprotektahan kita" Matapang na saad ko. dahan-dahan niya akong tinignan at ngumiti, bagay na mas nakaka inlove.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon