CHAPTER 36.

1.8K 69 0
                                    

[Chapter 36]

SHAWN LIM POV

Aish what's her problem? did she really hear me last night?

Agad ko siyang hinabol ng tingin at iling iling na sinundan siya, hindi masyadong mabilis ang takbo niya kaya naman ay ilang dipa lang ang layo nito sakin. Para siyang may kausap at pa iling-iling pa ito sa daan, sinampal-sampal niya ng ilang ulit ang mga pisnge niya at maya maya ay tatango tango na para bang nakikipag usap siya sa sarili niya.

Mukha siyang timang pero gustong gusto ko siya tsk hahahahah

"T-Tom sandali"Ani ko, huminto siya sa pag lalakad at humarap sakin, parang biglang umurong ang dila ko at hindi na makapag salita.

"P-Please mag usap muna tayo"Kinakabahang saad ko, hindi mo mabasa ang naiisip niya dahil napaka hirap basahin nito.

"Hindi ba pwedeng ipamaya nalang yan? may klase pa tayo ding" Nahihiyang napatango nalamang ako at lumapit sakaniya, nilakasan ko ng buong puso ang pag ngiti sakaniya.

"I-Ihahatid na kita sa r-room mo" Kabadong saad ko, pinapanalangin na sana pumayag siya.

"Bakit?" Naguguluhang tanong niya

"A-Ah para hindi ka—tignan ng mga s-studyante hehe" Alam kong walang kwenta ang sagot ko pero nilakasan ko talaga ang loob ko, kunot lang ang noo nito habang naka tingin sakin.

"Tignan man nila ako o hindi wala akong pake alam"

"P-Pero gusto k-ko lang ang mapabuti ka"

Agad kong hinawakan ang bibig ko at tumingin sa ibaba.

Dammit! bakit ang hirap ng sitwasyon kung ito?? I've never done this in my entire life, this is such a humiliating!

Naka awang ang bibig nito at nakatingin sakin, hindi ko malaman kung ano ang ikikilos ko sakaniya.

"Pwede ba ding itigil mo na?" Seryosong saad niya.

Deretso itong naka tingin sakin, ako naman ay hindi maka tingin sakaniya dahil pakiramdam ko ay nag liliyab ang mga mata niya sobrang init nito.

lumunok ako ng ilang ulit at hinawakan ko ang noo ko.

eotteooooookeeeeeeee?????

"A-Alin ang i-itigil ko na hehe?"

"Ito, itong kalokohan mo dahil hindi ako natutuwa sa trip mo"

Iniisip ba niyang pinag titripan ko lang siya?? argg damn it!

"H-Hindi ako nang t-titrip tom hehe" Nahihiyang saad ko.

"If you're going to play with me like this, I will play with you for good" Mariing saad niya, may kung anong kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"I never Play with you"

"Kung ganon ano ito?" Galit na saad niya, bumuntong hininga ako, naibagsak ko ang dalawa kong balikat, sabi ni Noona star a good conversation with her, ginagawa ko naman pero bakit nahihirapan padin ako.

"T-Tom" Tanging nasabi ko.

Tinignan lamang niya ako at ganon din ako, maya maya pa ay napapansin ko ang pag liyad niya at pag hawak niya sa dibdib niya. Agad ko itong nilapitan at laking gulat ko ng napahawak ito sa balikat ko, para siyang kandila na nauupos.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon