CHAPTER 28.

2K 58 1
                                    

[Chapter 28]

LIAN AIZEL POV

"Baby girl? ano satingin mo dito?" Tanong sakin ni Mommy, andito kami ngayon sa mall, pagkatapos kasi naming mag simba, ay sinama ako ni Mommy dito, si Kuya ay umuwi na, si ate mia at mommy lang ang kasama ko ngayon.

Tinignan ko siya habang naka sukat ang simple pink dress, ngumiti ako at tumango-tango.

"Grabee, parang mas mukha akong nanay sayo Mom Haha"

"Nah, mas maganda ka sakin, here isukat mo ito dapat same tayo"

"Para po kayong teen ager kumilos Hahha"

"Really?? Hahah well ayokong ma stress ang mukha ko baby para always pretty"

"Hahaha ang cute niyo tita, satingin ko okay na ang dalawang dress nato" Ani ni ate mia, pinasadaha ko siya ng tangin dahil napaka ganda niya grabe.

Ngumiti ako at pumasok na sa fitting room, sinukat ko ang pink dress na medyo kagaya kay Mommy, ng matapos kong isukat pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ko, mga damit na hindi ko kayang suotin pero pipilitin ko ngayon para sa nanay ko.

Paglabas ko.sakin agad sila nakatingin
nahihiyang napatungo ako dahil pati ang mga stuff ay sakin naka tingin.

"You look goddes I'm envious sweetie" Ani ni Mommy, nahihiyang lumapit ako sakanya at nag tago sa gilid niya, halos lahat kasi ng stuff ay sakin naka tingin.

"Ano kaba Lian, bakit nag tatago ka dyan, tignan mo nga oh ang ganda mo talo na si ate hahah" Saad ni ate mia at hinila ang kamay ko.

"Argg nakakahiya"

"Hahaha anak ano naman ang nakakahiya? look at them they can't stop staring you, sya halina kayo baka nag hihintay na ang sila sa mansion" Ngumiti at tumango na kami, at lumabas ng shop na iyon, para akong mean girl sa lagay ko, hindi talaga ako sanay sa mga ganitong kagarang damit, sanay ako sa pants at t-shirt, kung saan ako kumportable, pakiramdam ko anytime titingin sila sa dibdib ko, kaya naman pilit kong nilalagay sa dibdib ko ang buhok ko.

Kada tingin ko sa gilid ng dinada anan namin ay, nasasaamin ang paningin nila at nag bubulungan, kaya naman mas lumapit ako sa kay Mommy dahil sa mga tingin nila.

"What's wrong?" Tanong ni Mommy, ngumiti at umiling naman ako, ayaw kong sabihin na hindi ako komportable sa suot ko, baka ikalungkot lang niya, nag patuloy kami sa paglalakad at sumakay na ng elevator.

"Yes, hurry" Ani ni Mommy habang may kausap sa cellphone niya, maya maya lang ay may mga dumating na tatlong lalaki at kinuha ang mga dala namin, nag bow na sila at umalis, siguro sila ang kausap ni Mommy kanina.

"Ah Mom, ate? mauna napo kayo comfortroom lang po ako"

"Pwede kitang samahan Lian" Ani ni ate.

"Hindi na ate, mauna nalang kayo don saglit lang naman ako"

"Okay baby, hihintayin ka namin sa Kotse" Tumango na ako at pumasok sa isang shop, kung saan maraming jacket na tintinda, kailangan kong sapawan ang suot ko, masyadong litaw ang cleavage ko, hindi naman sa pag iinarte, sadyang hindi talaga ako sanay sa mga ganito, next time sasabihin ko na kay Mommy ang hindi ko sinusuot.

Nang maka pili na ako ng crop top denim Jacket, ay inabot ko na ito sa cashier. mabuti nalang at may pera ako sa pouch ko, mga pera na natrabho ko noon kay tita mariz, Ito lang ang cash na dala ko.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon