CHAPTER 2.

4.4K 114 2
                                    

[Chapter 2]

LIAN POVS

"Ano ho?? si a-ate?? pero paano nangyari yon ma??" tanong ni sam.

"O-oo Sam... kami lang ng t-tita Leny mo at papa niyo ang nakaka alam" saad ni Mama.

This can't be happening!!

"K-kaya ho ba hindi natin kamukha si a-ate?" Tanong ni Sam, tama si sam, noon paman palagi na sinasabi ng mga kamag-anak namin maging si papa na hindi ko kamukha mga kapatid ko at si mama at papa, malayong malayo ang itchura ko sakanila, sakto lang ang kulay ng balat nila ate, ako naman ay sing puti ng labanos na hindi ko na maunawaan, ang sabi ni mama pinag-lihi niya ako sa labanos, iyon ang palagi niyang sinasabi sa tuwing tinutukso ako na ampon daw ako.

naka ilang tango si mama kay sam at umiyak ng umiyak

"A-anak maniwala ka sakin, na-awa ako sayo noon dahil ikaw at si Jacob lang na anak ng tita leny mo ang narinig kong umiyak nung oras nayon at napagtanto kong buhay kayong dalawa, kaya hindi ako nag dalawang isip, na pati ikaw ay kunin ko na dahil delikado din patawad anak"

ngumiti ako sakanya ng pilit, pinipigilan kong umiyak dahil ayokong ipakita sakanilang umiiyak ako, pilit kong nilalakasan ang loob ko sa harapan nila, umiiyak nadin si ate mia at ganon din si ginang

"k-kung ganon ba-bakit mo tinago sakin mama" Iyak na tanong ko, hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at tuluyan na akong umiyak. "H-hindi Alvarez ang apelyido ko mama, kung ganon ano ang apelyido ko?" Pagtatanong ko, kasabay non ang pag tingin ko kay ginang.

"Noong kinuha kita anak may naka lagay sa baro mo ng "Lian Aizel Gonzales", kaya naisip namin na yuon ang ipapangalan namin sa iyo anak at nasisiguro kung yuon din ang apelyido ng tunay mong magulang anak" napa sapo nalang ako ng noo at pilit na ngiti ang pinakita ko sakanila..

"M-mama tahan na" Saad ni ate mia

owshit what the f! Hahahha nababaliw yata ako hindi ko akalaing totoo ba to? Hahaha please say no pleaseee

Ang sakit! Ang sakit! sakit!

"Tama na iyan, sa palagay ko makakasama niyo pa si lian ng matagal" sabat naman ni Ginang.

ganon? ganon nalang? halos hindi nanga ako makahinga sa mga nalalaman ko, at magpapasalamat pa ako dahil makakasama ko pa sila ng matagal king ina.

"Ano hong ibig niyong sabihin lola?" Tanong ni sam na lahat kami ay nakatingin na ngayon kay ginang.

"wala pa akong balita kay madam trina satingin ko wala sila sa pinas ngayon, pero pangako lian tutulungan kitang hanapin ang p-pamilya mo"Ngiting saad nito

"Salamat po" Iyon nalang ang nasabi ko at sumandal sa upuan, hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko.

pilit na ngiti ang nilabas ko at tinago sa loob-loob ko ang sakit at lungkot.

"Wala yon iha, sya paano iwan ko na kayo dahil madami pa akong aasikasuhin" Inalalayan naman ni sam si ginang sa pag tayo at hinatid nila sa gate

"Ingat po kayo"  Tumango lang ito at tumayo na

[Talaga beshi? ikwento mo yan sakin ha? mukhang madami akong hindi alam]

Kausap ko ngayon si Isay, 4 na ng hapon at mamayang 5, ay susunduin na ako ni isay dahil pupunta na kami ng concert. hindi ko alam kung may gana pa akong sumama pero ayoko naman ma iwanan si isay, tumutupad ako sa usapan.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon