[Chapter 42]
LIAN AIZEL POV
"A-Ako po?" Tanong ni ding kay Lolo
"Yes iho, nililigawan mo ang apo ko kaya naman mas gusto ko ang kasama ka niya doon, at least mababantayan mo din siya hindi ba?" Saad ni lolo, bumuntong hininga nalang ako sakanila.
Paanong napapayag agad ding ang pamilya ko para ligawan ako, hindi muna nila ako tinanong kung gusto ko. Tsk bakit ba kasi pumayag ako sa gusto ng bading na ito, wala parin akong nararamdaman para sakaniya at alam kong hindi ganon kabilis iyon.
"G-Gusto ko din po yun Chairman" Saad ni ding, bakas sa boses nito ang pagka sabik.
"Anong oras ba tayo uuwi?" Tanong ko, pakiramdam ko pagod ako at gusto ko ng mag pahinga.
ramdam ko ang pagka gulat ni mommy, kaya naman ay niyakap niya ang braso ko, katabi ko lang kasi ito.
"Uuwi na din tayo baby, pumunta lang kami dito para kausapin ang magulang ng manliligaw mo." Ani ni mommy, tumango naman ako at tinignan si ding, saktong naka tingin ito sakin.
Hindi na yata ma aalis ang paningin niya sa akin, dahil sa tuwing titingin ako sakaniya ay naka tingin na agad ito sakin.
SHAWN LIM POV
Nanlulumo akong tinignan si tom, pagkatapos niyang sabihin kung kailan sila uuwi, pakiramdam ko ayaw talaga niya sakin, pakiramdam ko para akong tanga sakaniya, siguro nga hindi niya ako magugustuhan, siguro hanggang dito lang ako at hindi na dapat ako umasa na sasagutin niya pa ako.
"Ding?"
Tinawag niya ako, pagka banggit palang niya sa pangalan ko ay agad na akong napa tingin sakaniya, nakatingin ito sakin at sinenyasan ako palabas.
"Mag-uusap muna po kami" Aniya at tumayo, taka naman akong napatayo, may halong kaba ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya at kung ano ang nag hihintay sakin palabas.
baka patigilin na niya ako, odi kaya sabihin na niya sakin na wala talaga akong pag asa sakaniya.
"E-Excuse po"Saad ko at nag lakad na palabas, pinilit kong lakasan ang loob ko at sinundan sya.
Pumunta ako sa may garden, na kung saan madalas akong umuupo at nag tatambay, nakita ko itong naka tayo at naka sandal sa may puno.
Dahan dahan akong lumapit sakaniya, at umupo sa bench, tinignan ko siya ng nag tatanong.
Naka tingin ito sakin ng seryoso, at unti-unting lumapit at umupo sa harap ko.
"Gusto ko lang malaman kung bakit ako yung napili mong ligawan? samantalang napaka dami naman diyan na mas babagay sayo" Aniya, tama nga si noona, itatanong ng mga babae kung bakit sila ang nagugustuhan ng isang lalake.
"Dahil ikaw ang gusto ko tom" Seryosong saad ko, tinignan ko siya ng sincere.
"Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko na kasama ka" Aniya upang mas kinabahan ako, inaamin ko na nagulat ako sa sinabi niya.
"P-Pero tom" Saad ko, unti-unti akong nanghihina at naiiyak, tama siya napaka bading ko talaga.
"Ayaw kitang saktan ding, gusto kong mag kusa ang nararamdaman ko sayo, sa tuwing nakikita mo akong may kasama lalo na pag lalake— ayaw kong pinag babawalan mo ako at binabawalan mo ang gusto ko." Aniya, at tuluyan na akong nanlambot, may kung anong kirot ang naramdaman ko sa mga sinasabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/201480119-288-k350699.jpg)
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer S1
Teen Fiction"Do you know that I love watching you from afar?" - LS This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination and are not to be construed as real. Any resemblance to actual persons, living...