CHAPTER 10.

2.5K 58 1
                                    

[Chapter 10.]

LIAN AIZEL POV

Ma aga akong pumasok ng school dahil pupunta ako ng locker ko para tignan yung white envelope na sinasabi ni isay, hindi nanga ako kumain sa bahay kakamadali, nag madali akong pumunta sa locker room pagka dating ko, agad kong binuksan ang locker ko at nakita ko doon ang white envelope

"FOR YOU"

Yan ang naka lagay sa likod, Inis ko itong tinignan dahil ang daming pakulo akala mo naman matatakot ako, binuksan ko na ang envelope at may letter sa loob nito.

Dear: Aizel

Hi, I guess you're reading this now, and yeah, it's me who calls you every night. I just want to tell you to always take care of yourself. I'm always watching over you :)

- LS.

Anong naman kaya ang ibig sabihin nitong letter na ito, pag babanta ba ito oh wala lang, LS? Sheez ang creepy niya akala mo naman matatakot ako sa ganitong pakulo ng taong ito kung sino man siya.

tinago ko na ito at nilagay sa bag ko ipapakita ko ito kay isay, pag ka sara ko ng locker ko tumingin ako sa paligid sabi niya lagi lang siyang naka tingin sakin Ibig sabihin nakikita niya ako ngayon! nag lakad na ako at dumeretso sa library medyo madami nadin ang studyante dito

tinext ko na si Isay habang papunta ako sa library

To: Isay
Asan kana?

sent.

Kumuha ako ng libro para mag basa habang hinihintay si isay, ilang minuto lang nag replay na agad ito, binaba ko ang librong binabasa ko at kinuha ang telepono ko sa bag.

From: Isay
Im on my way why?

Received.

To: Isay
Basta dalian mo, hawak ko na ang letter na nilagay sa locker ko, nasa library ako dalian mo Ingat ka

Sent.

habang nag babasa ako, tumitingin ako sa side view ng mata ko baka sakaling mahuli ko kung sino yon.

kapag nalaman ko kung sino ka lagot ka talaga sakin!

seryoso lang ako sa pag babasa ng libro
ng—

"Hi?" Natapon ko ang libro sa gulat dahil akala ko si LS, si Liam lang pala

"Oh? may problema ba?" Tanong sakin ni Liam, na bakas sa mata nito ang pag alala.

umiling lang ako at luminga-linga sa Paligid

"Aish Ang tagal niya"

"Are you expecting someone?" tanong ni Liam na nakatingin sakin, habang ako naka tingin sa main door ng library.

"Si isay ang hinihintay ko, may mahalaga kasi kaming pag uusapan e." Ngumiti naman ako ng bahagya kay Liam at ganon din naman siya.

"Beshii sorry medyo natagalan andami kaseng studyante doon e pinagkaka guluhan si Shawn as usual" Tss ang bading

"Hi Isay Goodmorning"

bati ni Liam eto namang si Isay todo ngiti Hay nako

"Good morning Liam" Bati naman ni Isay,

"And also sayo Lian, Hehe nakalimutan ko bumati sayo anyways, mukhang may pag uusapan nga kayo, una na ako" saad ni Liam at tinuro pa ang door tumango naman ako at ngumiti.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon