[Chapter 25]LIAN AIZEL POV
Alas tres na nung dineliver ang gown na pinagawa ni mommy, at excited itong pinasok sa kwarto ko, si Isay naman ay nag pa alam na dahil mag reready na daw ito para mamaya.
eksaktong 6:00 pm dapat nasa venue na kami, sa PU din ito gaganapin.
Nakaramdam naman ako ng kaba, dahil makikita ko na si LS, siya kaya ang makaka partner ko? Inaya panaman ako ni Kenzo, iniwaksi ko na ito sa isip ko at tumitig sa gown ko
tch Bahala na mamaya.
Umupo ako sa sofa at nag iisip para sa mangyayare mamaya, maigi kong pinag masdan ang nakatayong gown sa harap ko. Sabi ni mommy isa itong Serene blush gown, kulay blush pink ito, off-shoulder dahilan para ma expose ang collarbone at upper chest ko, hapit ito sa dibdib ko, mapapansin ding meron itong slit na kung saan kapag sinuot ko ito, makikita ang ikaliwang hita ko, maganda ang pagkaka disenyo ng gown na ito dahil akmang akma siya sa personality ko not too revealing iyong sakto lang, hapit ang dibdib at kita ang likod ko, bagay na ngayon ko lang isususot sa tanang buhay ko.
Bagay na bagay ito sa kulay ng balat ko, dahil blush pink ito, sinamahan pa ni mommy ng high heel na kulay blush pink din, at mabalahibong kulay blush pink na maskara
Sana lang talaga bumagay sakin, sana hindi ako mag mukhang nakaka tawa, ina amin ko ngayon lang ako sasali ng ganito, hindi ko kasi hilig ang mga ganitong bagay.
sandaling pag mumuni pa ang ginawa ko ng, kumatok si mama sa kwarto ko, lumapit ako agad at binuksan.
"Oh anak, andiyan na ang mag memake up sayo, bumaba kana tatlo pa talaga ang kinuha ni Mommy mo at galing pang france anak nakuu sigurado ikaw na ang pinaka maganda mamaya"
"Ano kaba mama, nahihiya nga po ako para mamaya e"
"Eh bakit naman?"
"Kasi baka hindi bumagay sakin yun" Sabay turo ko sa gown.
"Nako hindi, bagay sayo yan pinagawa yan ng mommy mo kaya babagay sayo yan, sya bumaba kana don teka naka ligo kanaba?"
"Hindi papo"
"Nakuu bata ka, maligo kana don at mag madali ka"
"Sige po mama, ay teka po"
"Ano yon?" Tanong ni mama, hinila ko ang kamay niya at niyakap siya.
"Wala lang hahaha I love you" Saad ko ng pakawalan ko na siya
"Ganyan ka kapag kinakabahan anak hahah sya dali na I love you too anak"
Ngumiti naman ako at
"Eeehhh seselos ako baby huhu"
gulat ako ng dumating si mommy, lumapit naman ako sakaniya at yumakap.
"I love you Mom" Saad ko at pinag lapit silang dalawa "I love you both" Saad ko pa, ng siyang dahilan ng kinatawa nila.
"Come on baby maligo kana, at bumaba, doon nakami ha? Yieee im so excited to see youuu"
"Hahaha sige po" pumasok na ako sa cr para maligo, hindi ko maiwasan ang kabahan para mamaya, ano kaya ang mangyayare? first time ko ito, tanda ko pa noon kung gaano kagalit si say sakin nung hindi ako sumipot noong last year prom night. Hindi ko talaga hilig ang party kaya hindi ako sumipot, pero ngayon aattend na ako dahil baka mag drama nanaman si
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer S1
Teenfikce"Do you know that I love watching you from afar?" - LS This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination and are not to be construed as real. Any resemblance to actual persons, living...