CHAPTER 51. BATANES

956 52 42
                                    

[Chapter 51]

SHAWN LIM POV

Marahan kong inunat ang mga braso ko, at dahan dahan kong pinatong sa balikat niya, ng magawa ko na iyon ay doon palang ako nagpakawala ng hininga, masaya akong ganito kaming dalawa, malayong nakatingin sa magandang view habang ganito kami kalapit sa isa't isa.

Alam kong iniisip niya ang nangyari kanina, at inaamin kong naging pabaya ako sa mga kilos ko. Nahihiya akong tumingin sakaniya' tanda ko pa ang sinabi niya sa elevator kanina at talaga namang tinamaan ako don ng kahihiyan.

Napaka gago talaga! wala akong ibang inisip kundi ang mag selos at maging bading sa harapan niya, habang siya ay pilit akong inaabot at inaaalagaan. Nakakahiya para sa isang kagaya ko ang mga nangayri

Dammit Shawn!

"Iniisip ko kung bakit hinayaan kitang ligawan ako, gayong ganito naman ang pinaparamdam mo"

Dahan-dahan akong tumingin sakaniya' bakas sa mga mata niya ang walang emosyon, naka tingin lamang ito sa malayo at hindi ko mabasa ang iniisip niya. Nauunawaan ko ang mga sinabi niya parang may kirot na sumisibol sa dibdib ko dahil don. Masyado na akong naging pabaya at nagpaka bading sa harapan niya, dammit!

"T-Tom I'm sorry, sorry sa mga nangayri at sa mga inasal ko. Inaamin ko sobrang nag seselos ako kay Kenzo at takot na maulit ang mga nangayri 3 years ago" Pagtatapat ko, ramdam ko ang pag tingin niya sa akin habang ako ay naka tingin lamang sa sahig.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ako katulad ni Loisa na nagpa agaw, at hindi din ako katulad ni Kenzo na mag tatraydor sayo, hinayaan kitang ligawan ako at doon palang dapat pinagkatiwalaan mo na ako" Walang emosyong saad niya habang nakatingin na sa akin

"Hindi pa tayo ding pero ramdam ko na yung higpit mo, iyon' ang pinaka ayaw ko mangayri ay ang pag higpitan mo ako sa mga bagay na gusto kong gawin" Saad niya at nagpakawala ng hininga, tumingin ito sa malayo at ngumiti "Basta pagkatiwalaan mo lang ako sa lahat ng bagay, hindi ko ugali ang manloko at magpaloko" Ngiting saad niya nasa akin na ang paningin nito.

"Sorry kung masyado akong naging careless tom, sorry kung masyado akong natakot at nag selos— tama ka dapat nagtitiwala ako sayo at hindi na matakot na maulit yung bagay na nangyari 3 years ago" Seryosong saad ko, ramdam ko ang pag ngiti niya at hinawakan nito ang braso ko dahilan para mapatingin doon.

"Do you know that I love watching you from afar?"Seryosong tanong ko sakaniya, dahilan para tumingin ito sakin.

"Palagi mo' iyon ginagawa kaya hindi na ako nag tataka pa, bakit nga ba ding?" Aniya, ngumiti naman ako at may parang sumibol na saya sa aking dibdib at mas lumapit pa sakaniya

"Dahil pakiramdam ko nabubuo ang araw ko kapag nakikita ka, kahit na ang tingin mo sakin ay gago masaya parin akong makita ka kahit na sa malayo" Saad ko at ngumiti, hinawakan ko ang kamay nito at hinayaan naman niyang gawin ko iyon.

"And now you're so close to me. Do you still love watching me this close?"

"I love it more" Pilyong saad ko at ngumisi

"Tss..ano kayang gagawin mo kung sakaling magka gusto ako sa iba? do you still love watching me? haha" May halong birong saad niya.

"Ha?" Gulat na tanong ko, mabilis akong napatingin sakaniya at mabilis akong napabitaw sa kamay niya.

"Paano kung magkagusto ako sa iba?" Paguulit niya, bumuntong hininga naman ako at medyo lumayo sakaniya.

"At sino yang iba? si Kenzo o yung doctor nayon?" Walang ganang tanong ko, kitang kita ko kung paano ito ngumisi at tumingin ulit sa dagat.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon