CHAPTER 43.BATANES

1.6K 56 2
                                    


[Chapter 43]



LIAN POVS


"Sigurado kaba talaga na gusto mong isama si Shawn?" Tanong sakin ni Kuya habang papunta na kaming Airport. Sinisiguro talaga ni kuya kung gusto ko yon.

"Mmm" Tugon ko. wala namang masama kung isasama ko siya. at tama si Lolo manliligaw ko siya, hindi masamang sumama siya.

"Pwede nating sabihin kung ayaw mo" Aniya pa ulit. Bumuntong hininga ako st tumingin kay kuya.

"Okay lang sakin kuya, tama si Lolo. manliligaw ko siya, dapat lang na kasama ko siya" Saad ko. Tumango naman si kuya at hinawakan ang buhok ko.

"Siguraduhin mo ng maigi na mahal mo ba talaga siya Lian, Ayaw kong mapilitan kalang sa kaibigan ko." Seryosong aniya.

"Nag usap na kami tungkol diyan kagabe kuya, Gusto kong mag kusa ang nararamdaman ko sakaniya. sa ngayon ay wala akong nararamdaman sakaniya, pero ang totoo ayoko siyang masaktan" Seryosong saad ko. Naalala ko noong nasa hospital ako, at sinabi kong itigil na niya ang kalokohan niya. tapos nabalitaan ko nalang na, wala ito at nag pakalayo. Naisip kong hindi magandang saktan ang mokong nayon. nagiging wala sa katinuan, para sakin para talaga siyang bading.

ewan ba Kahit naiinis ako sa kilos niya, ay natutuwa padin ako. Dinaig pa niya si Aizen na ma arte, samanatalang siya ay Napaka isip bata at bading.

"Ayokong masaktan ulit siya, at mas lalong ayaw kong masaktan ka. satingin ko ay Sigurado na ako kay shawn para sayo Lian" Saad ni kuya. Ngumiti naman ako ng bahagya.

"Siguro matututunan ko din siyang mahalin, sa ngayon kailangan ko munang pag aralin ang nararamdaman ko sakaniya. Ayokong sabihin sakaniya na gusto ko siya kahit ang totoo ay hindi." Saad ko. tumango na si kuya at ngumiti.

"Noona? Hindi ba natin kasabay si Hyung Shawn sa flight?" Tanong ni Aizen. nasa unahana ito naka upo.

"Yes, nandoon na siya sa Airport" Sagot ni Kuya. Nauna kasing pumunta don si ding, habang kami ay nahuhuli.

Hindi nadin kami nag abala pang mag pahatid kila Mommy at Daddy. Nag punta nadin ako kila mama at nag pa alam.

Ng dahil sa mga masasamang nangayayari sakin, lilisanin ko ang lugar nato. Tch nakakainis bakit pa kase mayrong masasamang tao.

BRZB RXBZ BRZXB

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag.

Ding Calling...

d-_-b

"Sinong ding? haha" Natatawang tanong ni kuya. Sinilip pala niya ang cellphone ko.

"Si shawn" Saad ko, pagkatapos non ay Sinagot ko na ang tawag niya.

"Hello?" Saad ko.

"Andito na ako, hindi na ako makapag hintay makita ka hahahahha! basta tabi tayo sa plane ah?" Saad niya at kinilig. Inikot ko ang mga mata ko at tumingin sa bintana.

"Sa ibang plane ka sasakay" Kunyaring saad ko.

"Ano?!- Anong sa ibang plane! ayoko nga gusto kong kasama ka" Saad niya, paniguradong naka nguso nanaman ito ngayon.

"Biro lang" Saad ko.

"Hindi yan magandang biro tom" Aniya, Ngumiti naman ako sa inaasta niya.

"Para sakin magandang biro yon, para sa isang katulad mo ding" Natatawang saad ko.

"Ah Basta hindi yon magandang biro! Kasama kita sa isang plane at mag katabi tayo. yayakapin moko at yayakapin kita!" Pasigaw na saad niya, hindi manlang nahiya sa mga makaka rinig.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon