CHAPTER 48. BATANES

1.9K 83 45
                                    

[Chapter 48]

SHAWN LIM POV

Saan naba pumunta yon, tikas niya ah ganiyan ba sya mag mahal? alam naman niyang pilay ako talagang iniwan ako hays, kahit ganyan ka tomboy ikaw padin ang tomboy ko. tch!

Tumingin-tingin ako sa paligid at pinag masdan ang mga tao, maraming turista kaya naman talagang malago itong resort nila tom, maraming puno ng niyog at marami ding flag na kulay dark blue at red. Maraming cottage at kung iisipin mo maraming nag lalaro gaya ng nasa isip mo, kulay puti ang buhangin at napakasarap damhin ng hangin.

Hinakbang ko ang kaliwang paa ko, at dahan dahang nag lakad, hindi naman na masakit ang paa ko at nakakaya ko ng ihakbang ang paa ko, nag lakad ako papuntang garden at doon umupo. Hinayaan ko muna si tom dahil gusto ko din ng me time.

Umupo ako sa bench at sumandal, pinikit ko ang mga mata ko at doon naidlip.





LIAN AIZEL POV

Mabilis akong nag lakad palabas, at nag lakad lakad, nahiya talaga ako sa inakto niya kanina at hindi ako sanay, mas mabuti kung kami lang dalawa pero hindi e, maraming tao at halos nasa amin ang paningin nila, naiilang tuloy ako.

Tumungo ako sa mga pamilihan at tumingin-tingin ng mga paninda, masaya akong binabati ng mga bawat tindera at tindero, malayo-layo na pala ang nilakad ko kaya naman naisipan kong tumingin tingin ng mga tinitinda nila.

"Kapian kapanu dioschamavekhas angu ngaran mo?" Saad sakin ng isang matandang tindera, nag titinda ito ng maraming keychain at iba pang mga palamuti, merong mga damit, stuff toy, at mga bagay na gawa ng mga Ivatan.

[Kapian kapanu dioschamavekhas means "Good morning anong pangalan mo?"]

Lumapit ako sa tindera at ngumiti, kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay ngumiti nalang ako at lumapit sakaniya.

"Good morning ho" Saad ko nalang, tumango naman siya at ngumiti ng mas malapad.

"Taga manila ikaw iha, kung hindi ako nag kakamali ikaw ang special guest namin halika pumasok ka sa tindahan ko mamili ka" Matamis na saad niya, hinila niya ang kamay ko at pinasok sa loob ng tindahan niya, napa awang ako sa gulat dahil napaka ganda.

Maraming bulaklak, at marami ding mga palamuti, mga abubot at mga pagkain din na gawa ng mga Ivatan.

"Mamili ka iha, yan ay libre sayo" Aniya, kaya naman ay nahihiyang napatango naman ako, nawala sa isip ko si ding at na aliw ako sa kaka tingin ng mga abubot.

Hinawakan ko ang mga barkong yari sa kahoy at sinipat ang mga design, ang ganda talaga, magandang idisplay ang mga ito sa kwarto ko, sunod kung hinawakan ang mga damit, iba't ibang kulay pero pareho lang ang sinasabi ng mga naka sulat.

I ♥ BATANES

Napangiti ako ng magustuhan ko ang kulay maroon na T-shirt. "Ahm manang? bibilhin ko ho itong dalawa" Ngiting saad ko, munit umiling siya.

"Hindi iha, kunin mo na ng libre, mamili kapa, yan ay utos ng aming amo" Aniya, napatango naman ako at tumingin na sa mga abubot, kinuha niya ang damit na kinuha ko at binalot ito, ako naman ay dumako sa mga bracelet.

Mas ikinatuwa ko ng mapansin ko ang mga couple bracelet, yung iba yari sa mga bato at yung iba ay sa perlas, mapapa wow ka talaga.

"Ang bracelet nayan iha ay simbulo ng pag-ibig, kapag sinuot niyo yan ng nobyo mo kahit anong mangyari, kahit magkalayo kayo magkikita't magkikita parin kayo sa huli" Matamis na saad ng matanda, napa tango naman ako at na mangha.

My Secret Admirer S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon