CHAPTER 2

117K 2.3K 87
                                    

2 years later:

Umiinom sa isang bar si James, nakaupo sa high stool sa counter. Mula ng mamatay si Chelsy, gabi-gabi na siyang ganito, nag-papakalango sa alak para lang maibsan ang sakit at pangungulila sa asawa niya.  Laging sinasabi ng mga kaibigan at pamilya niya na tigilan na niya ang ginagawa niyang pag-inom dahil baka raw mag-kasakit na siya.

Pero hindi ito nakikinig kahit na kanino, wala naman na talaga siyang pakialam kung mag-kasakit o ano pa ang mangyari sa kanya. Kung siya lang gusto na talaga niyang mamatay, dahil para sa kanya wala na talagang saysay ang mabuhay pa.

"Dude! Sabi na nga ba nandito ka lang eh." Biglang dumating ang mga kaibigan niya at tinapik siya sa balikat ni Kevin, umupo sa katabing high stool.

"Dude, may atay, baga o kidney ka pa ba? Wala kang absent sa paginom." Tanong ni Kevin at um-order din ng alak.

"Dude, matagal tagal na ring wala si Chelsy, hindi ka parin ba nakaka move on? life must go on." Sabi naman ni Vince at umupo din sa katabi niya.

"Paano ko itutuloy ang buhay ko, kung ang nag-iisang tao na dahilan ko para mabuhay, ang mismong nawala." James said without looking at them, tuloy lang ito sa paginom.

"Tingin mo matutuwa si Chelsy na nagkakaganyan ka? Tignan mo nga itsura mo, ang haba na ng buhok mo, balbasarado kana? Tsk." Naiiling na sabi ni Vince.

"Nasasabi niyo yan, kasi wala kayo sa sitwasyon ko. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko.... ang anak ko."

" Dude, stop blaming yourself, that was an accident. " Vince states. umiling-iling lang si James.

"I'm the one who should blame for her death. Wala akong kwenta." He said and emptied the shot glass.

Hindi na rin ito nag-aayos ng sarili, mahaba na ang buhok nito at balbasarado.  Sobra niyang sinisisi ang sarili niya sa pagkamatay ni Chelsy.

"Hi guys, hi James." May babaeng lumapit sa kanila at agad na umakbay kay James.

"Langhiya! kahit ganyan na ang itsura mo, lakas parin ng karisma mo sa babae. You're the one talaga." Ngi-ngisi-ngising sabi ni Kevin.

Kahit kasi balbasarado at medyo humaba ang buhok nito, hindi man lang nakabawas sa kagwapuhan nito. He looks hunk bad boy.

"What's wrong with his looks? He's gwapo kaya. His messy hair makes him sexy." Sabi ng babae na masuyo pang hinawakan ang buhok ni James.

"Ahahaha!! Okay, okay. Langhiya! vodka nga please." Um-order na lang uli si Kevin ng vodka.

"Pwede ba! Bitawan mo nga ako, d'yan ka sa dalawa! wag sa 'kin. May asawa na ako." Iritang sabi ni James at inalis ang kamay ng babae.

"Wag sa 'kin, ikakasal na ako, Diyan ka kay Kevin." Sabi ni Vince sabay turo kay Kevin.

"Wag na! wala ako sa mood." Agad namang tanggi ni Kevin sabay inom ng alak.

"Diyan na nga kayo!" Iritang sabi ng babae sabay alis.

Nag-inuman ang tatlo ng halos magdamag. Si James ang pinakanalasing sa tatlo dahil sa mas nauna itong uminom sa kanila, hanggang sa naisipan na nilang umuwi na.

Hinatid siya ni Vince at Kevin, iniwan nalang nila ang kotse ni James at ang dalang kotse na lang  ni Vince ang ginamit nila.

Narating din naman agad nila ang bahay ni James at agad itong inalalayan papasok ng bahay.

"Ano dude? okay ka na ba dito? Gusto mo samahan ka namin?" Tanong ni Vince  habang inaalalayan ito paupo sa sofa.

"Wag na dude, okay lang ako." Sagot ni James.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon