CHAPTER 16

89.2K 1.8K 66
                                    

Nagising si James na wala na sa tabi niya si Chelsy, bumangon siya at bumaba. Nakita niya nagluluto si Chelsy. Lumapit siya dito.

"Oh! Gising ka na pala, nagluluto lang ako nang almusal."

"Can I hug you?" Ngumiti si Chelsy, niyakap siya ni James mula sa likod niya, nakapatong ang baba nito sa balikat niya. Nakatingin naman si Jake sa dalawa na nasa sala nakaupo.

"Mukhang masarap yan, namiss ko tong ganito. Alam mo ba na lagi mo akong pinagluluto noon." Sabi ni James habang nakayakap mula sa likod  niya. Tinignan ito ni Chelsy.

"Wag kang mag alala habang nandito ka ipagluluto kita."

"Talaga!? Salamat babe at pumayag kang tumira ako dito."

"Oo na, sige na maligo ka na, aalis ka pa diba?"

"Sige" Kumalas ito ng yakap.

Natapos si James maligo at nagbihis. Bumaba siya ng hagdan na bihis na.  Naka light blue long sleeve polo na tinupi lagpas siko. Napatayo si Chelsy at nilapitan siya.

"Kain ka na." Hinawakan ni James ang braso niya at niyakap siya.

"Thanks" hindi naman ni Chelsy mapigilan hindi amuyin si James sa bago nito. Kumalas ito ng yakap.

"Ano gwapo ba ako? Tingin mo ba may mac'close akong deal sa big client sa itsura ko."

"Kung babae o bakla ang client, sigurado. Pero kung lalaki, baka ma'intimidate lang sayo." Napangiti si James.

"Inaamin mo na na gwapo ako."

"Oo na gwapo ka na."

"Mas gwapo ako kay Brian?" Tinignan ito ni Chelsy mula ulo hanggang paa. Nagkibit balikat lang ito at tinalikuran na si James. Inakbayan siya ni James at umupo nalang sa hapag kainan.

Kumain sila at natapos.

"Aalis na ako, ano gusto mong pasalubong?" Tanong ni James.

"Wala naman!"

"Antayin mo ako." Tumango lang si Chelsy.

"Kiss ko." Pabulong na sabi ni James at ngumuso, tinikom ni Chelsy ang bibig niya at umiling pero nangingiti.

"Sige na" tumingin si Chelsy sa sala nandun si Jake, at ang nanay niya.

"Nahihiya ka?" Tumango si Chelsy.

"Hindi naman sila nakatingin eh." Nakangiting sabi ni James. Tumingin uli si Chelsy.

"Tisay pumayag kana, asawa mo yan kaya dapat lang na bigyan mo siya ng halik bago umalis, nung nabubuhay pa si Inggo hinahalikan ko siya bago siya mangisda." Napaawang ang bibig ni Chelsy sa sinabi ng nanay. Napangiti naman si James.

"Nanay naman eh! Nakikinig kayo eh."

"Iba ang nakikinig sa narinig lang." Sabi ng nanay niya.

"Ahahaha!" Natawa ng malakas si James.

"Sige na, hindi kami titingin kung nahihiya ka." Sabi uli ng nanay niya. Si Jake naman nagtakip ng unan sa mukha habang nakasandal.

Napahawak si Chelsy sa mukha niya. Inalis ni James kamay nito.

"Pwede na kitang ikiss?" Nakangiting tanong ni James.

"Sige na bilisan mo." Pabulong ni sabi ni Chelsy na halos walang boses na lumalabas.

"Oo bibilisan ko lang. Ahahaha!" Pabulong din na sabi ni James,  ginaya niya si Chelsy. Sabay tawa ng malakas.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon