CHAPTER 9

89.8K 2.1K 88
                                    

"Nandiyan ba si Tisay?"

"Ate may naghahanap sayo." Tawag ni Buding.

"Sino?" Lumapit si Chelsy sa pinto.

"Ikaw ba si Tisay?"

"Ako nga. Bakit ho sir? Anong Kailangan niyo?"

"May reklamo sayo." Mga pulis ang nasa labas.

"Reklamo po! Anong reklamo?"

"May nagreklamo ng pagnanakaw." Sabi ng pulis.

"Anong pagnanakaw po ang sinasabi niyo."Tanong niya.

"May bahay kayong pinasok. Ikaw ang tinuturo." Sabi ng pulis.

Patay! namukhaan ako. Pero paano nila nalaman na ako? Bwesit!

"May warrant po ba kayo?" Pinakita sakanya ang warrant of arrest. Tumingin siya kay Buding. Umupo siya para maging magkalevel sila nito.

"Aalis lang si ate ah. Pumunta ka kay ate Khem  sabihin mo sakanya. Bilis." Utos niya sa bata.

"Opo ate." Agad na tumakbo ang bata palabas.

"Tara po sir. Pupusasan niyo pa ba ako?"

"Hindi na. Hindi ka naman siguro tatakas eh." Sinarado lang niya ang pinto at lumabas na.

"TISAY! TISAY!" Napalingon siya sa tumatawag sakanya.  Nagmamadaling tumakbo papalapit sakanya.

"Anong nangyari? Bakit hinuhuli ka? Sir, Bakit mo siya hinuhuli? Anong kasalanan niya? Mabait po yan." Tuloy Tuloy na sabi ni Khem.

"May nagreklamo daw ng panloloob ng bahay." Sabi ng pulis.

"Sabi ko na eh." Bulong ni Khem.

"Sir sasama ako. Sasamahan ko siya." Sabi ni Khem.

"Bahala ka. Tara na." Sabi ng pulis at hinawakan si Chelsy sa braso.

"Ano yan Tisay? Natapos din ang maliligayang araw mo." Sabi ng isang babae.

"Tumahimik ka Cheska. Baka makulong din ako dahil sayo, pag hindi ako nakapag pigil sayo." Singhal ni Khem dito.

"Sir baka nagkakamali lang kayo. Mabait yan si Tisay." Sabi ng isang  matandang babae.

"Wag kayong magalala inimbitahan lang ako ni sir. Magpaparty lang kami. Diba sir?" Ngumiti lang sakanya ang dalawang pulis.

"Sinabi mo ba sa nanay mo na siya muna bahala kay buding?  Si nanay  walang kasama sa ospital."

"Wag kana mag alala, binilin ko na kay nanay." Sabi ni Khem

*****

"Sir, ano wala pa ba sila?" Tanong ni James sa pulis.

"Papunta na daw po sir, malapit na." Sabi ng isang pulis.

"Dude, pwede ba relax ka lang. Para kang hindi mapaanak na pusa diyan eh." Reklamo ni Kevin. Dahil kanina pa ito lakad ng lakad.

Nasa isang kwarto sila sa police station.

Maya-maya lang natigilan silang lahat sa pagpasok ng pulis sa interrogating room na katapat nila, kasunod nun si Chelsy at Khem. Nakikita nila ang mga ito sa one way mirror.

"Ayan na pala sila sir." Sabi ng pulis. 

Nilakasan ng pulis ang audio para marinig  nila ang usapan sa kabilang kwarto.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon