CHAPTER 32

87.2K 1.7K 50
                                    

Nakahiga si Chelsy sa kama ng biglang bumukas ang pinto.

"Chelsy get up and dress up." Greg commands.

"Bakit san tayo pupunta?" Tamad na tamad na tanong ni Chelsy.

Nararamdam na niya ang paglilihi, alam niya 1 month or more than a month lang ang tiyan pero nahihilo na siya at nagkakaroon na rin ng morning sickness.  

"Aalis tayo! We're going to london, mamaya ang flight natin kaya tayo na." Napabalikwas si Chelsy ng higa.

"Anong sabi mo?"

"Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Now get up and dress up. Handa na ang lahat." He commands.

"Hindi! Hindi ako aalis, hindi ako sasama sayo?"

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Natahimik si Chelsy bigla.

Pumunta si Greg sa closet nito at kinuha lahat ng damit na pinimili para kay Chelsy. Kinuha din nito ang maliit na luggage at pinatong sa kama at nilagay ang mga damit dito nagiwan lang ito ng pamalit ni Chelsy.

"Antayin kita sa labas bilisan mo." Lumabas si Greg dala ang luggage. Napakuyom nalang si Chelsy ng kamay.

Nag ayos lang siya ng sarili  at nagbihis. Inalis niya ang unan at kinuha ang balisong na nasa ilalim nito. Nilagay niya ito sa bulsa ng suot ng jacket. Lumabas siya ng kwarto at bumaba. Nasa  sala na si Greg na nag aantay sakanya. Tumayo agad ito pagkababa niya.

"Halika na"

"Greg sandali nga! Wala pa si Jake. Tsaka diba hindi mo pa nakukuha ang share ko sa company." Sinusubukan niyang pigilan ito dahil hindi niya gustong umalis.

"Tisay! Okay na ang company namin. Kaya na ni Brandon yun, ikaw at ako ang importante. Pag nakaalis tayo dito, pangako, wala ng magiging banta  sa buhay ng pamilya mo, basta susunod ka lang sa gusto ko." Greg says.

"About Jake, palalayain ko na siya even Khem." He added. Hindi na nagsalita pa si Chelsy.

Lumabas sila ng bahay. Sumakay ng sasakyan, magkatabi si Chelsy at Greg sa backseat. 

Hindi ako papayag na sumama sayo Greg. C'mon Chelsy....think! Think! -pinipisil-pisil ni Chelsy ang kamay niya.

Napansin ito ni Greg at hinawakan ang kamay niya. Hinayaan nalang niya ito.

Narating nila ang airport. Papasok sila sa loob kasama parin ang tatlong tauhan nito na kasunod lang din nila sa isang sasakyan. Nasa may entrance na sila at dumaan sa security check.
"Sir bawal po ang mga baril sa loob." Security guard says.

"They're our bodyguards." Greg states. May biglang lumapit na lalaki.

"Let them in." Utos ng lalaki. Nag nod lang ang security guard at pumasok na sila.

"Anong oras ba ang flight natin?" Chelsy asks.

"Mamaya pang 3 pm, kailangan muna nating mag check in." Naglakad sila papuntang check-in counter. Nag check-in sila at umupo sa departure lounge.

1o'clock. I need to escape here..

"Umm Greg, restroom lang ako." Tumingin si Greg sa mga tauhan na parang sinasabing samahan siya.

Tumayo si Chelsy at naglakad papuntang restroom kasunod ang tatlong tauhan, mabilis siyang pumasok ng restroom.  Nagpalakad-lakad siya sa loob. Shaking her hands, bitting her fingers.

Kailangan kong matawagan si Jake.  kailangan ko ng cellphone. -

Napapabuntong hininga siya. Nakita niya ang isang babaeng may hawak na cellphone na nagsasalamin. Nilapitan niya ito.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon