CHAPTER 5

92.9K 2.2K 106
                                    

"Kuya akala ko ba hinanap niyo si Chelsy sa buong Palawan. Bakit hindi niyo sila nakita?" Tanong ni Cassie habang nasa kotse sila.

"We did! Lahat ng presinto, lahat ng hospital, lahat ng island, pinuntahan namin." Sabi ni Brian.

"Eh bakit ganun? Bakit hindi niyo siya nakita?" Cassie. Umiling lang si Brian.

"Sasabihin na ba natin kay James?" Tanong naman ni Andrew.

"Bukas nalang. Baka biglang sumugod yun dun. Baka magulat si Chelsy. Narinig niyo naman sinabi niya diba? Mukhang malaki ang tampo niya sa pamilya niya. Akala niya wala tayong ginawa para hanapin siya." Brian explained.

"Pero kuya grabe ah. Type na type ka niya." Sabi ni Cassie. Napangiti si Brian.

"Paano kaya pag nalaman niyang patay na patay ka sakanya dati. Pero hindi ka naman niya type. Ahahaha!" Sabi ni Andrew na tumawa pa ng malakas.

"Anong nakakatawa Andrew?  Na hindi ako type ni Chelsy?" Sabi ni Brian at sinamaan ng tingin si Andrew sa salamin.

"Hindi naman, naisip ko lang. Paano kung malaman niya, na yung lalaking pinagpapantasyahan niya ngayon, eh dating patay na patay sakanya pero binasted niya. Maniniwala kaya siya dun?" Andrew said

"At si James, tsk tsk. Paano pag nalaman niya na patay na patay si Chelsy sayo ngayon. Uusok ilong nun. Ahaha!" Sabi naman ni Cassie.  Napangiti nalang si Brian at umiling ng bahagya.

"Ibang iba na siya ngayon, she looks siga. Yung pagkamahinhin niya nawala eh. But grabe! she looks cute kapag nagsasalita ng kanto words." Nangingiting sabi ni Cassie.

"Oo nga eh. Kahit mukhang mahirap ang buhay niya. She's still beautiful. Parang lalong ngang gumanda eh." Brian said and smiled. Nagtinginan si Andrew at Cassie at tumingin si Cassie kay Brian.

"Kuya don't tell me may gusto ka parin sakanya?" Seryosong tanong ni Cassie.  Tumingin sakanya si Brian at ngumiti lang.

******

"Grabe friend ang gwapo niya talaga." Sabi ni Chelsy. Habang naglalakad sila pabalik sa bahay nila.

"Oo nga, yung Andrew din ang gwapo. Kaso may Cassie na. Ang babait nila no? Kahit mayaman hindi matapobre." Sabi naman ni Khem.

"Oo nga." Sabi ni Chelsy na ngiting ngiti at malayo ang tingin. Napansin naman ito ni Khem.

"Hoy! Bangag lang." Sabi ni khem sabay tulak sa ulo ni Chelsy.

"Ano ba? Ito naman agaw trip." Sabi ni Chelsy.

"Alam mo nagtataka lang ako. Kung makayakap sayo yung tatlo feeling close. Bakit ako hindi man lang niyakap." Reklamo ni Khem at sumimangot. Tinignan ito ni Chelsy at ngumiti ng pilyang ngiti.

"Maligo ka kasi. Amoy isaw ka eh. Ahaha!" Sabi nito.

"Sira ulo. Hindi naman eh." Inamoy amoy pa nito ang sarili.

"ATE SI NANAY!!!" Sigaw ni Buding. Nasa tapat ito ng bahay nila. Nagtinginan ang dalawa sabay takbo papunta sa bahay nila.

"Bakit anong nangyari!?" Tanong ni Chelsy. Habang papasok sa loob.

"Nay!" Agad na lumapit ito sa nanay nanayan niya na walang malay sa sahig.

Humingi ng tulong si Khem sa labas para dalhin ito sa ospital. May agad namang pumasok at binuhat ito. Sumama sila ni Khem kasama na rin si Buding.

Narating nila ang ospital at naadmit naman agad ang nanay nanayan niya.

"Dok ano po ba ang sakit niya?" Tanong niya sa doctor.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon