CHAPTER 20

83.8K 1.8K 41
                                    

Ignore my mistakes, no edit... Forgive my terrible grammar..

Hahaha! Gusto ko lang talaga tong I'update na.

__________________________________

Umuwi si Jake at Chelsy sa bahay nila. Nakajacket si Chelsy para hindi makita ang sugat niya ng nanay niya. Wala itong alam sa ginagawa nila, pero may mga tsisimis na tong naririnig. Sinasabi lang nilang hindi totoo.

"Akyat ka sa kwarto, susunod ako." Sabi ni Jake. Umakyat si Chelsy at hinubad ang jacket. Sumunod naman agad si Jake sakanya at umupo sa tabi niya dala ang panggamot na binili nila.

"Ayaw mo bang dalhin nalang kita ospital? Malaki sugat oh." Sabi ni Jake habang nilalabas isa-isa ang gamot.

"Wag na! Malayo sa bituka to." Sagot ni Chelsy. Sinimulan ni Jake linisin ang sugat niya.

"Sorry Tisay! Hindi ko alam na ganun ang gagawin natin."

"Bakit ba ganun Jake? Bakit sinasama na nila tayo sa ganung trabaho?"

"Hindi ko nga alam." Yun lang nasabi ni Jake.

"Kasalanan ko to Tisay! Ako nagdala sayo sa ganitong sitwasyon. Mapapatawad mo ba ako?" May bahid na lungkot sa boses at mukha ni Jake.

"Jake! Ako nagdala sayo sa ganitong sitwasyon, kung hindi lang sana ako dumating aa buhay mo, hindi ka naman mapupunta dito. Nabaon ka sa utang dahil sakin." Ngumiti nalang sakanya si Jake.

"Ayan tapos na." Jake said. Bigla naman pumasok sa kwarto si James ba ikinagulat ni Chelsy.

"James ang aga mo." Hindi niya inaasahan na uuwi ito ng maaga. 8 o'clock ito kung umuwi, 6 o'clock palang.

"Inagahan ko talaga! I'm just checking you kung nandito ka. Kanina pa kasi kita tinatawagan eh, hindi mo sinasagot." Seryoso ang mukha nito.

Napatingin si James sa mga gasa at bulak na may dugo. Tumingin uli kay Chelsy at Jake.

"What happened?" Lumapit agad si James, ang seryosong mukha nito napalitan ng pag-alala. Hindi agad nito nakita ang braso ni Chelsy dahil medyo tinago niya ito.

"I said what happened?" She slightly twisted her body. Para ipakita kay James ang sugat sa braso.

"Anong nangyari dito?" Alalang tanong nito pero may bahid ng galit. Hindi nagsalita si Chelsy.

"Babe, I'm asking!  Would you please answer me." Galit na talaga si James dahil medyo umalsa na ang boses nito.

"Nasaksak! Pero okay na ako, malayo naman sa bituka oh!" Tumiim ang bagang ni James. Running his hand through his hair, sighing of irritating.

Tumayo bigla ito kinuha ang luggage sa ilalim ng kama at binuksan. Pumunta sa closet at kinuha ang mga gamit niya at pinasok sa luggage.

"James anong ginagawa mo?" Alalang tanong na rin ni Chelsy pati si Jake naguguluhan din dito.

"James! Babe! Iiwan mo na ba ako?" Malungkot na sabi ni Chelsy.

Pero hindi ito nagsalita. Kinuha din ang mga damit ni Chelsy. Pero paghatak nito sa damit ay may nalaglag. Lalong parang nagpuyos ito sa galit. Binalik niya ang damit sa cabinet at pinulot ang nalaglag at humarap sa dalawa.

"Seriously! A gun." Tiim bagang na sabi ni James.

"Hindi ko naman yan dinala, in case of emergency lang naman. Kung magkagulo, kung kailangan ipagtangol ang sarili."

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon