CHAPTER 15

88.8K 1.9K 21
                                    

"Wala pa ba si James?" Tanong ni Chelsy pagkababa ng hagdan.

"Ate Tisay! Nandun po sa labas si kuya pogi. " Sabi ni Buding

"Sa labas?"

"Opo! Nandun nakikipag inuman."

"Nakikipag inuman?!" Sabi niya.

"Kanino naman yun makikipag inuman?" She mutters and She decided to go out.

Paglabas niya ng bahay nakita naman niya agad si James. Naginit ang ulo niya sa nakita.

Katabi ito ni Cheska at nakapulupot pa ang braso nito sa braso ni James na halos lingkisin na nito. Si James naman nakikipagtawanan din.

Lumapit si Chelsy  at tumayo sa likod ng dalawa. She crossed her arms over her chest.

"Uy Tisay! Shot ka." Sabi ng lalaki.

Napalingon si James at Cheska dito, medyo nagulat si James, si Cheska umirap lang.

"Babe" Sambit ni James.  Kinuha ni Chelsy ang gin na inalok sa kanya at ininom.

"Ikaw naman! Kanina ka pa ba dito?" Tanong ni Chelsy.

"Hindi naman, inaya lang ako ni--

"Inaya ko siya Tisay. Mabait naman pala itong si lover boy, pinagbigyan niya ako at enjoy siyang kausap." Putol ni Cheska sa sasabihin ni James.

"Mukha nga eh! Tignan mo kung makalingkis ka enjoy na enjoy ka." Sarkastiko niyang sabi at tumingin din kay James.

"Wag kang kj Tisay." Sabi ni Cheska.

"Aba! Talagang haliparot na to. Hoy Cheska! Asawa ko ang nililingkis mo. NAKU! Nakakapanginit kayo ng ulo." Iritang sabi ni Chelsy. Umalis nalang si Chelsy napangiti naman si James sa sinabi nito.

"Pasensiya na ah! Pero kailangan ko ng umalis." Sabi ni James.

"Sige, mukhang nagseselos si Tisay.  Naku! Ibang klase pa naman yun magalit. Ahaha!" Sabi ng isang lalaki at tumawa pa. Tumayo si James at iniwan ang mga kaharap.

"Salamat sa pizza ah."Pahabol na sabi ng iba, ngumiti at tumango lang si James, binigay niya dito ang isang box na pizza na dala niya.

Pumasok siya sa bahay.

"Good evening po nanay Agnes." Bati niya sa matanda.

"Hijo, nandiyan ka na pala! Ano bang nangyari kay Tisay at mukha inis na inis?" Tanong ni Nanay Agnes.

"Asan na po siya?" Tanong ni James.

"Umakyat hijo."

"May dala po akong pizza, ito po." Sabi niya at binigay sa matanda ang pizza. Humarap siya sa bata.

"Buding pizza oh! Gusto mo?" Tanong ni James sa bata.

"Opo" Ngiting-ngiti naman ang bata.

"Sige kain ka na! Aakyat lang po ako." Tumango lang ang matanda at umakyat na si James.

Sumilip si James sa kwarto at nakita niya si Chelsy nakahiga sa sa kama patalikod. Pumasok si James at umupo sa tabi nito.

"Babe" hinawakan ni James si Chelsy sa braso.

"Babe" Ulit niya pero hindi ito umimik o tapunan man lang siya ng tingin.

Napangiti si James naalala niya dati, ganitong-ganito ito pag may babae siyang kausap. Lalo na pag may client sa company nila na si James ang gustong makausap. 

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon