CHAPTER 3

95.5K 2.2K 75
                                    

"Good morning sir. Nandito na po ang detective." Sabi ng secretary na kakapasok lang ng office ni Brian at kasunod ang detective.

"Good morning sir." Bati ng detective.

"Good morning! please take a seat. Kumusta yung pinapahanap ko?"Umupo ito sa tapat ng office desk niya.

"Sir confirm po. Siya nga po yun." The detective started. Napaayos ng upo si Brian.

"Si Chelsy Sebastian Aragon. Siya po yun, buhay nga po siya." Lumiwanag ang mukha ni Brian sa narinig. Nilabas ng detective ang mga larawan na kuha nito. Kinuha ni Brian at tinignan.

"Pero bakit hindi siya bumalik? Bakit hindi siya nagpakita samin? 2 years..... Buong akala namin patay na siya." Naguguluhang tanong ni Brian. Habang nakatingin sa mga larawan.

Pinaimbistigahan at pinahanap niya si Chelsy noong makita niya ito. 2 weeks na ang nakakaraan nung aksidenteng mabangga siya nito. Hindi siya sigurado kung si Chelsy ito dahil ibang iba. Nagd'drive samantalang may phobia ito sa pagsakay sa sasakyan. Kinuha niya ang plate number ng sasakyan.

"Dahil sa amnesia, wala po siyang matandaan. Tisay ang tawag sakanya ngayon. Nakatira sa isang squatter area sa tondo. Kasama din siya sa isang gang, isa siyang snatcher ngayon." Detective declared.

"What?! Snatcher? Are you sure?" Hindi makapaniwalang tanong ni Brian.

"Yung plate number pong binigay mo sakin, pekeng plate number yun. Ginagamit nila tuwing may gagawin silang ganung trabaho." Napabuntong hininga siya sa narinig.

Buhay ka Princess. Thanks God.

"Nakuha mo yung address niya?" Tanong ni brian.

"Uho sir. Ito po yung address." Sabay abot ng isang maliit na papel kay Brian. Kumuha si Brian na tseke at pinirmahan.

"Ito yung kabuuan bayad ko. Salamat." Sabay abot sa detective.

"Sige po sir salamat." Paalam ng detective.

"Sige salamat din." Lumabas na ang detective. Naiwan si Brian na nakaupo lang.

Kailangan ko siyang puntahan. -nakangiti si Brian na kita sa mukhang tuwang tuwa.

"Hoy kuya! Anyari sayo? Wow! Milagro. You're smiling now." Si Cassie kakapasok lang sa office kasama si Andrew.

Dito rin si Andrew nagt'trabaho sa firm nila. Si Cassie naman siya na ang nagpapatakbo ng hotel nila. Mag asawa na sila ngayon at may isang anak na lalaki.

"Hindi na kita nakitang ngumiti ng ganyan simula ng mamatay si Chelsy." Biglang lumungkot si Cassie ng maalala si Chelsy.

"Haist! Ano ba yan!? So, bakit mukha kang masaya? Wag mong sabihin nagpakita sayo si Chelsy." Pagbibiro ni Cassie. Pero ngumiti sakanya si Brian at tumango.

"Hay kuya pwede ba! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo ah." Sabi ni Cassie at hinaplos haplos pa ang braso niya. Umupo ng maayos si Brian.
"Buhay siya." Seryosong sabi nito.

"God kuya! Ganun mo ba siya kamahal talaga? mas malala ka pa kay James. Si James hindi matanggap ang pagkamatay ni Chelsy pero never naman sinasabi yang ganyan. Gusto mo pumunta tayo ng psychiatrist." Alalang sabi ni Cassie

"Ahahaha!!" Tumawa ng malakas si Brian. Kaya nagtingin si Andrew at Cassie.

"Hoy bayaw wag ka namang ganyan. Pati ako kinakabahan sayo eh." Sabi ni Andrew.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon