CHAPTER 8

86.3K 1.9K 22
                                    

"Nice fashion show Colleen. Congrats. Anyway, who's the finale?" Cassie asked.

"Si Cheesy, Charles and Clark." Colleen said but her eyes are on the catwalk.

Isa-isang lumabas ang mga model na naka underwear lang, ang iba naman may mga costume din. Hanggang sa natapos ang lahat at ang finale na ang lalabas. 

May stage fire effect muna bago lumabas ang model at red glare stage lighting design na nagmukha talagang nagaapoy ang stage. Naunang lumabas ang isang lalaki na Clark ang pangalan. Sumunod si Charles naka black denim and red scarf.

"God ang gwapo talaga ni Charles no?" Cassie said.

"Ano yun hon?" Andrew asked at lumapit ng husto kay Cassie.

"Wala! Mas gwapo ka pa rin." Cassie said and smile. 

Natapos si Charles. Nakatayo lang ang dalawa sa magkabilang side ng round catwalk.

The flame fire effect turns into snow effect, blue glare stage light design. lumabas si Chelsy na naka itim na kapa na natatakapan ang mukha.

Naglakad hanggang sa marating ang gitna ng catwalk. Unti-unting tinanggal ang kapa at binagsak sa sahig. May man made snow flakes na bumagsak kung saan siya nakatayo.

Nanatili siyang nakayuko at unti-unti rin inangat ang mukha. May mga light effect na tumatama sakanya kaya hindi agad makikita ang itsura niya. Hanggang sa tumigil ang mga ilaw.

"Ohh! She's so gorgeous, she's perfect. Who is she Ms. Fuentabilla?" Tanong ng isang matandang lalaki kay Mrs. Fuentabilla. Na katabi lang din ng grupo. Hindi nakasagot ang mommy ni Colleen dahil sa nagulat din ito.

Yung grupo nanglalaki ang mata sa nakikita nila. Napatayo silang lahat sa kinauupuan nila.

"God! Kamukha siya ni Chelsy." Celline said.

"Yan ba ang Cheesy? " tanong ni Cassie na nakatingin lang din kay Chelsy na nag sisimula ng rumampa. Sinisigurado niya kung si Chelsy o kamukha lang.

"No! Hindi siya. Kamukhang kamukha siya ni Chelsy." Sagot ni Colleen na nakatingin lang din kay Chelsy.

"Chelsy" Sambit ni James habang nakatitig sa rumarampang si Chelsy. Siya rin ang unang-unang tumayo sa grupo.

"Kuya anong ginagawa niya dito?" Bulong ni Cassie kay Brian.

"Hindi ko alam." Halos naguusap sila pero ang mata nakatingin lang kay Chelsy.

"Grabe Kamukhang kamukha ni Diwata." Sabi ni Kevin.

"Siya yan. Si Chelsy yan, ang asawa ko yan. Sabi ko sainyo buhay siya, pupuntahan ko siya." Sabi ni James na aalis na sana. Pero pinigilan siya ni Kevin at Vince.

"Dude, wag kang gumawa ng eksena, baka kamukha lang. Model yan nila Colleen." Sabi ni Kevin na hinawakan na si James.

"Hindi namin siya model. Alam ko si Cheesy ang finale eh. Pero antayin nalang natin matapos ang show bago natin siya lapitan." Colleen said. Wala ng nagawa si James.

****

Papalapit na si Chelsy sa unahan ng catwalk. Parang diyosa talaga ito  sa suot niya at sa ayos niya. Lantad na lantad ang mga makikinis niyang hita. Dahil sa suot niyang skirt gown na likod lang ang halos natatakpan.

Pabilog ang stage. Pagdating niya sa unahan sinalubong siya ni Charles. Humawak ito sa bewang niya at humawak naman siya sa balikat nito. Nagulat din ito ng makita siya. Pinakatitigan niya ito.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon